Boy Abunda withdraws plan to run for public office in 2016

by Julie E. Bonifacio
Apr 5, 2014
Bukod sa kundisyon ng kanyang ina, ang pagkadismaya rin daw ni Boy Abunda sa estado ng pulitika sa bansa ang isa pang dahilan kung bakit ayaw na niyang maging pulitiko. "Parang, is it worth it at this point in my life, when I have a mother to take care of?" tanong pa ni Boy.

Sa unang pagkakataon ay naglahad si Boy Abunda na hindi na siya tatakbo sa public office sa 2016 elections.

Nagbago na raw ang isip niya, "I had plans for 2016 ko pero hindi na."


Priorities ang paliwanag ni Boy nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng talk show nila ni Kris Aquino na Aquino & Abunda Tonight nung Huwebes, April 3.

"Hangga't inaalagaan ko ang nanay [ko], yun ang priority ko.

"Everything else comes second.

"I'm not closing my doors on politics, but definitely not in 2016."


SPECULATIONS. May mga nag-iisip pa mandin na ang evening talk show nila ni Kris ang pre-campaign ad nila para sa tandem nila sa 2016 election.

Si Kris ay hindi na rin daw itutuloy ang plano nitong sumabak sa pulitika.


Pahayag ni Boy, "I wouldn't blame them, kasi nga apelyido namin, e.

"But it had nothing to do with it.

Continue reading below ↓

"It was one of the titles that was proposed and one of the titles that we approved.

"Pero I wouldn't blame people for speculating."

Kamakailan, nagkaroon ng balita na namumroblema ang partido ni President Noynoy Aquino na Liberal Party sa magiging successor nito.

Dito lumutang daw ang pangalan ni Boy na posibleng presidential bet ng Liberal Party sa darating na eleksyon.


"Ay, hindi naman," tanggi ni Boy.


"I'm not shy naman. If I run for public office, I'll start in Eastern Samar.

"Tutulong ako sa probinsya ko and that was my original plan."

CHANGE OF HEART. Marami raw ang dahilan kung kaya umatras si Boy sa plano nitong sumabak sa pulitika, umpisa sa bayan ng Borongan.

Aniya, "Pinaka-importanteng dahilan ay ang kalagayan ng aking ina.

"Hindi ko naman kakayanin na mahahati ang aking oras.

"Pangalawa, ang dami kong disappointments sa nangyayari sa gobyerno.

Continue reading below ↓

"'Yung hindi gobyerno ni Noynoy, ha? 


"'Yung sistema, the P10-billion [pork barrel] scam, itong corruption sa mga offices.

"You know, Noy [President Aquino] is just one, he can only do so much.

"'Do I really want to be part of the system?'

"Yun ang tanong, 'di ba? Gusto ko bang maging bahagi ng sistemang ito na napakatagal na? 


"You know, when I look at the president, he's the most honest president we have had.

"He's hardworking, parang he dedicated his life to this country, 'tapos kung babatikusin?


"Ang tanong, 'Kaya mo ba yun?'

"Parang, is it worth it at this point in my life, when I have a mother to take care of?"

DOUBTS. Ang isa pa raw nitong dahilan sa pag-atras sa pulitika: "Meron pa ring nanonood sa akin kahit paano sa aking palabas.


Continue reading below ↓

"Hindi ko sinasabi na ano, but you have to listen to yourself, e.


"Parang am I willing to give up my more than 20 years in this business for a career na babatikusin lang ako kahit napakaganda ng aking intensyon?

"Ang dami mong iniisip na ganoon."


May pangamba rin daw ito na baka makain din siya ng sistema sa gobyerno kapag pinasok niya ang pulitika.

"It takes a lot of courage, totoo. Yun ang pagkatao, para hindi ka malamon.


"Oo, nakakatakot din, kaya sa pamilya ko ako lang ang wala sa pulitika, 'di ba?

"My sister is the mayor, my nanay is in politics, my father is in politics. 


"So it is not surprising that the people in our area talk to me about politics kasi nasa pamilya namin.

"One of the brothers of my father was also a mayor, yung ganoon, my cousins are into politics.

Continue reading below ↓

"So, normal na pinag-uusapan ang mga posibilidad na yun.

"Pero natatakot ako, tanggap ko yun… ang hirap! 


CONTINUITY. Meron daw panahong pursigido siya na makapasok sa pulitika kung ito ang paraan para makatulong siya sa maraming tao. Nabago raw lahat ito.

Aniya, "There was a time na, 'O, sige na. Go!' 


"'Tapos, itong mga naglalabasan ngayon, itong Nabcor [National Agribusiness Corporation], lahat! Nakaka-overwhelm. 


Ang tinutukoy ni Boy ay ang Nabcor P5 billion scam na ibinuko ng whistleblowers na sina Rhodora Mendoza at Roman Cacal kamakailan.

"Tapos iiasa mo lang sa isang tao.

"That's why the discourse about continuity politically is very logical.

"'Yung parang, 'What do we do after?'
"

"I mean, how do we continue the programs of the president?

"Magbubulag-bulagan ba tayo at ibabalik natin ulit ang nakasanayan na comfort zone?


SIGN. Nakakalungkot man, isang malaking sign daw para kay Boy ang pagkakasakit ng ina nitong si Licerna Abunda.

Continue reading below ↓

Nagkaroon daw siya ng mas mahalagang dahilan para ibuhos ang panahon niya sa kanyang ina.


Pahayag ni Boy, "Siguro nga binibigyan din ako ng Diyos ng pagkakataon na, 'Ay, eto ang priorities mo.' 


"Hindi pwede, e. Lalo na sa state ngayon ni Nanay na para bagang in her twilight years...

"When I look back, I wanna say I was there [for her], 'di ba?

"Hindi ko kaya, hindi ko isusuko yun, ayoko talaga.

"Ayokong lumingon, kasi you can be measured in many ways, pero hindi sa pagiging anak, lahat tayo.

"I think most of us are really good children. 


"Oo, sa mga nakakausap ko, I think most of us are good children.


Kumusta na ang health condition ng kanyang ina?


"She's doing well, she's stable.

"Kagagaling lang namin sa ospital, babalik na naman kami sa ospital for check-up.

Continue reading below ↓

"Ganoon na. Ganoon na ang buhay namin."



Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa kundisyon ng kanyang ina, ang pagkadismaya rin daw ni Boy Abunda sa estado ng pulitika sa bansa ang isa pang dahilan kung bakit ayaw na niyang maging pulitiko. "Parang, is it worth it at this point in my life, when I have a mother to take care of?" tanong pa ni Boy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results