Huling
napanood si Janice de Belen sa 2004 na pelikula ni Jolina Magdangal titled Annie Batungbakal. Ngayong 2009, balik-acting
sa movie si Janice de Belen sa kanyang first indie film, ang The Last Viewing.
Sa presscon ng indie film sa Kaboom Restaurant, Timog Avenue last July 21, tinanong
ng press si Janice kung hindi ba siya nag-second thought na tanggapin ang
offer. "Slight lang, kasi indie, baka bold," natatawang wika ni
Janice. "Saka baka hindi na ako marunong mag-memorize ng lines, baka
hindi na ako marunong umiyak. Ipinaalam ko muna ito sa mga anak ko,
natuwa pa sila, at least daw makikita na nila akong umaarte sa movie kasi sa TV
lang daw nila ako napapanood."
Bakit niya tinanggap ang offer ng Davis Entertainment Productions?
"Nagandahan ako sa story na ikinuwento sa akin ni Direk Ronaldo Bertubin sa telepono. Tinanong lamang niya ako kung takot ako sa patay, sabi ko hindi. Role kasi ng isang crematory supervisor ang role ko. Isang experience sa akin iyon, kasi nga nag-shooting kami sa crematory. Sanay na sanay na sila sa ginagawa nila at kailangan ganoon din ang maging emosyon ko, iyong parang wala lang ang ginagawa namin.
"Dramatic ang movie na tungkol sa isang ina na may anak na autistic na
nawalay sa kanya habang namimili siya sa isang siksikang ‘tiangge' at
pagkalipas ng apat na taon, saka lamang niya natagpuan sa isang kakatwang
sitwasyon."
Laura ang pangalan ng karate ni Janice sa pelikulang ito na idinerehe ni Ronnie
Bertubin. Bilang crematory supervisor,
siya ang nagsasabi ng emotionless phrase na "Last
viewing" bago -i-cremate ang isang katawan.
Ang kanyang anak dito ay si Heidi, isang six-year-old
autistic child na may isip ng isang two-year-old.
Kasama rin ni Janice sa indie film si Tommy Abuel bilang may-ari ng
crematorium. Si Leandro Baldemor na matagal-tagal ding nagpahinga sa
pag-aartista, ay may crush kay Janice na boss niya sa crematorium.
"Akala ko nga, leading man ko si Leandro," sabi ni Janice.
"Hindi pala, tauhan ko lamang siya sa trabaho."
Si Sherwin
Ordoñez naman ay ilang indie film na ang nagawa pero happy siya na nakatrabaho
niya for the first time si Janice.
Kuwento pa ni Sherwin: "Gaganap po kaming magkapatid ni Janice. Magkasama kaming naghahanap sa nawawala niyang anak at four years pa bago namin siya natagpuan."
Sa trailer ng The Last Viewing may iki-cremate na
patay, pero ayaw sabihin nina Janice, Leandro at Sherwin kung sino iyon, secret
daw muna.
Nasa cast din si Angel Jacob at ang child actresscommercial model na si Maro
Panganiban. Executive producer ng movie si Liza Davis.
Sa July 28, may premiere showing ang indie film sa SM Megamall Cinema 6
at ang regular showing nito ay sa August 5 sa mga selected cinemas in
Metro Manila.
Last
Viewing (2009)
Cast: Janice de Belen, Sherwin
Ordonez, Leandro Baldemor, Maro Panganiban, Angel Jacob with the special participation
of Tommy Abuel
Director: Ronaldo Bertubin (director of Sikil, Kurap and Lovebirds)
Screenwriter: Romualdo Avellanosa
Executive Producer: Lisa Davis (Davis Entertainment Productions)
Producer: Ferdinand Lapuz, Antonio de Guzman Jr and Olivia Madrigal