Manumbalik pa kaya ang dating pagtitinginan ng former sweethearts na sina Sunshine Dizon at Polo Ravales sa Dear Friend's "Kay Tagal Kitang Hinintay?"
Matapos madiskubre ni Rachel (Sunshine) ang totoong
dahilan sa ‘di pagsipot ni Michael (Polo) sa kanila kasal, siya na mismo ang
lalapit sa lalaki para humingi ng tawad. Magkakaayos na ang dalawa at magiging
magkaibigan ulit. Bagama't mahal pa rin ni Rachel si Michael, wala siyang
magagawa dahil ikakasal na ito kay Diane (Chynna Ortaleza).
Pero isang rebelasyon ang gugulat na naman kay Rachel. At
ito ang magtutulak sa kanya na tanungin ng diretsahan si Michael kung may
pagtingin pa ba ito sa kanya.
Ano kaya ang isasagot ni Michael? Totoo kayang may
nararamdaman pa siyang pagmamahal sa dating kasintahang si Rachel? Matuloy pa
kaya ang kasal ni Michael kay Dianne?
Ang Part 3 ng "Kay Tagal Kitang Hinintay" episode ng Dear Friend ay mapapanood sa Linggo, July 26, pagkatapos ng S.O.P. sa GMA-7.