Ai-Ai delas Alas lashes back at bashers who call her “sawsawera”

by Bernie V. Franco
Jul 4, 2014
Matapos ipagtanggol ni Ai-Ai delas Alas si Governor Vilma Santos hinggil sa spelling mistake nito sa dedication card na ipinadala kay Kris Aquino, pinupuntirya ngayon ng ilang bashers ang Comedy Concert Queen.

Gov. Vilma Santos-Recto bashed on Kris Aquino's Instagram

Sa press conference ni Ai-Ai noong July 1, Martes, tinanong ng entertainment press kung ano ang opinyon niya sa isyung kinasangkutan nina Vilma at Kris.

Dating malapit na kaibigan ni Ai-Ai si Kris, samantalang self-confessed Vilmanian naman ang Comedy Concert Queen.

Read: Ai-Ai delas Alas defends Governor Vilma Santos against bashers; favors Nora Aunor for National Artist award

Sa Instagram post ni Ai-Ai (@aiaidelasalas) noong Martes, mababasa ang thread ng comments na ilang bashers. Ilan sa mga ito ay sinagot ng aktres.

Isang Instagram user na may account name na "@keltan_74" ang tumawag kay Ai-Ai na “sawsawera.” Sinabi rin nitong parang bata ang aktres dahil sa pagsagot nito sa isyu nina Vilma at Kris.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Ai-Ai sa isang comment: “Nagkataon lang na may presscon ako para sa show namin ni Rico J [Puno] syempre tinatanong ako ng press kaya nga presscon.

“Ang nakikisawsaw kung nagpa-presscon ako tungkol dun.

“Natanong lang ako at sinagot ko lang ang mga tanong.”

AI-AI'S MESSAGE. Nagpadala naman ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai, sa pamamagitan ng Facebook private messaging, upang kunan siya ng karagdagang pahayag tungkol sa lumalaking isyung ito.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpadala naman ng mensahe si Ai-Ai sa PEP sa pamamagitan ng email.

Narito ang pahayag ni Ai-Ai:

"Hindi ako nagsisisi. Kaibigan ko si Ate Vi.

"Lahat 'to alam ko mangyayari, basang-basa ko na 'to...

"MAHAL KO SI ATE VI AT KILALA KO SI ATE VI. TOTOONG TAO AT MALINIS ANG PUSO...

"Showbiz is also a mafia world.

"Hindi naman tayo sure kung talagang ang mga nagba-bash ay totoong mga tao na galit sa akin at kakampi ng iba.

Continue reading below ↓

"Yung iba diyan, utusan lang. Maraming dahilan 'yan—diversionary tactics, paid hack, brainwashing...

"Madali nang durugin ang artista o taong ayaw mo kasi nga marami nang way at klase ng social media.

"Isa lang ang pinanghahawakan ko sa buhay ko: GOD CAN SEE EVERYTHING. AND GOD LOVES US!!! GOD BLESS US ALL!!!"

Dagdag pa niya, "At ito pa pala, isipin mo, sa dami ng tao sa mundo, lalo na sa Pilipinas na maraming mahirap, meron ba 'yang pambili ng computer at android phone? Waley!

"Ang iisipin niyan, sa'n sila kukuha ng makakain?

"Sino 'yang mga 'yan, mayayaman, 'di ba?

"Ang mayayaman, nagtatrabaho 'yan. May time pa ba ‘yan siraan ka?

"Siyempre, ang mga sisira sa 'yo, yung mga hindi busy na bayaran, hello?

"Tama, mali?"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ipagtanggol ni Ai-Ai delas Alas si Governor Vilma Santos hinggil sa spelling mistake nito sa dedication card na ipinadala kay Kris Aquino, pinupuntirya ngayon ng ilang bashers ang Comedy Concert Queen.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results