Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay KC Concepcion a few months ago, mismong ang aktres ang nagkumpirma na nanliligaw nga sa kanya ang kaparehang si Piolo Pacual at ito ang kauna-unahang lalaki na nanligaw sa kanya in a traditional way.
Sa interview din ng PEP kay Gabby Concepcion during his mini-presscon for Dahil May Isang Ikaw, inamin ng aktor na ipinakilala na sa kanya si Piolo. Nagbiro pa nga raw si Gabby kay Piolo na okey lang na tawagin siya nitong Kuya, huwag lang Papa dahil si KC lang ang tumatawag sa kanya nito.
Sa interview ng PEP kay Piolo sa nakaraang presscon ng Kimmy Dora: Kambal na Kiyeme last August 20, consistent pa rin si Piolo sa pagsasabing huwag pag-usapan ang panliligaw niya kay KC lalo't patuloy pa rin daw ang pagdududa ng karamihan na for publicity gimmick lang daw ang sinasabi niyang nararamdaman para sa kapareha.
"KC and I are good friends but other than that ayoko na sigurong magsalita coz marami ang nagsasabi na puro on cam lang ang panliligaw ko. Ayokong mapagbintanagan na nanliligaw ako sa camera just to prove something. Iniiwasan ko muna ‘yun kasi nakakasakit din minsan. Ikaw ang natatanong pero ikaw pa ang masama."
Sa kabila ng pag-iwas na sagutin pa ni Piolo ang tungkol sa panliligaw niya sa aktres, kinumusta naman namin sa kanya ang pagmi-meet nila ni Gabby kung saan balitang pormal na raw siyang pinakilala ni KC sa ama.
"Cool nga, e, nakakatuwa. He makes things light for us, siyempre father ‘yun ni KC, nakaka-tense, nakaka-intimidate but he's very cool, napakabait niyang tao. He's very friendly, very accommodating, mawawala ang hiya mo. Kahit minsan ayaw mo nang magsalita dahil nahihiya ka, he will make you feel comfortable."
Kung noong una ang ina lang ni KC ang nagsasabing boto siya kay Piolo para sa panganay na anak, ngayon pati si Gabby ay bukas na rin sa pagsasabing gusto niya ang aktor para kay KC. Para kay Piolo, sisiguraduhin niyang di niya sisirain ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng mga magulang ng aktres.
"Inaalagaan ko ‘yung tiwala na ‘yun, inaalagaan ko ‘yung trust na ibinibigay nila sa akin. Ayoko munang magsalita kasi baka mamaya things might be taken out of context and iba ang makarating sa kanila so alalay lang."
Agad din naming tinanong si Piolo na kaya raw natagalan na ipalabas ang Lovers in Paris ay dahil marami raw eksena ang ni-reshoot dahil wala raw chemistry sa kanila ng aktres.
"Di kami nag-reshoot. Marami lang dinagdag sa eksena, kinompress ‘yung soap para mas tight, para mas mabilis.
"Lovers in Paris is doing well. We're taping almost every other day, wala kaming pahinga. Direk Erik and the creative team are working really hard para mapaganda pa yung project. Na-launch kami sa trade launch and ipapalabas na siya on September. I'm excited for KC coz this is her first soap."
ON CLAUDINE BARRETTO. Sa interview din ng PEP at ng Cinema News kay Claudine Barretto ay inamin ng aktres na mayroon daw silang tampuhan ng aktor. Isang tampuhang naayos na kaya at bukas naman kaya si Piolo sa pakikipagbati?
"As far as I'm concerned, okay kami ni Clau, if
there's anything to setlle, I just want it between us. Bilang
magkaibigan, mas maganda na maaayos namin ‘yun off cam.
"I'm very much open sa
pag-aayos, kaibigan ko si Clau, wala namang problema dun."
Ang Manila ang unang film na co-produced ni Piolo at sumunod naman ang Kimmy Dora. Dahil dito, marami ang nagtatanong kung anong satisfaction ang nakukuha ni Piolo in producing films na di naibibigay sa kanya ng pagiging isang artista.
"Let's just say na okay na ako as an artist, masaya na ako, I'm fulfilled and achieved so much but after this you will tell to yourself, ‘hanggang saan ka? Until when is this is gonna happen?' Mas chinallenge ko ang sarili ko as a producer. When Manila came out, nakakatuwa because lahat ng pagod, hirap, pera, kasama na ang lahat, nawala nung napanood ko ‘yung buong pelikula, tapos sumunod pa itong Kimmy Dora. Sabi ko grabe, grabe ang blessings ito, all efforts, nakaka-encourage, nakaka-boost ng morale."
Sa dami ng mga artista marami ang nagtatanong kung bakit daw si Eugene Domingo ang napili ni Piolo na gawing bida sa Kimmy Dora at hindi ang iba?
"Timely rin na bilang bagong produksyon kami and we wanted something new tapos
nakita naming ang potensyal ni Uge as bida. Kung anuman ang maging
success ni Uge, success din ng produksyon.
"'Saka I was always been a fan of Uge, lahat ng mga ginagawa niya, tawa ako ng
tawa. Nung ginagawa namin ‘yung Paano Kita Iibigin, sabi ko ‘Grabe si Uge,' sobrang nakakatawa siya tapos sobrang
tinodo niya dito sa pelikulang ito so happy ako."
To be shown in cinemas starting September 2, kinumpirma ng aktor na ang Solar na pala ang magdi-distribute ng Kimmy Dora at hindi na ang Star Cinema para mapanood din sila sa mga SM theaters. Siniguro lang sa amin ni Piolo na maayos nila itong napag-usapan ng management ng Star Cinema.
"With the blessing of Tita Malou Santos. Siya na mismo ang nagsabi sa amin na para wag kayong madamay sa conflict ng Star at ng SM, it would be better kung makakahanap kayo ng ibang distributor. Through her help, we were able to seal our deal with Solar."
