Claudine Barretto-Raymart Santiago legal battle "coming to an end" — Atty. Ferdinand Topacio

by Arniel C. Serato
Dec 5, 2014
Ayon sa abugado ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdinand Topacio, kapag natapos na at nagkaroon na ng resolusyon ang mga kaso ng aktres laban sa estranged husband nito, malalaman daw ng mga tao na lahat ng mga naririnig nilang kasiraan tungkol kay Claudine ay walang katotohanan.

Malapit nang magkaroon ng final resolution ang mga kasong isinampa ni Claudine Barretto laban sa estranged husband nitong si Raymart Santiago.

Ayon sa abugado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, tapos na ang hearing kaugnay ng custody battle at Permanent Protection Order (PPO) na hinihingi ng aktres.

Naisumite na raw ng bawat kampo ang lahat ng kanilang ebidensiya at mga testigo sa korte.

Saad ni Atty. Topacio sa exclusive interview ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal) Huwebes ng gabi, December 4, “Yung case with Raymart and Claudine is coming to an end.

“It’s coming to an end dahil matatapos na yung trial.

"Tapos na kasi, both sides nakapag-present na ng evidence.

"Anytime soon ay magkakaroon na ng desisyon yun regarding dun sa custody at saka dun sa PPO.

"But, although, I cannot discuss the merit kasi nga may gag order, yun lang masasabi ko.

“Ang sa akin lang, kapag matapos na ang kasong ito, si Claudine can put things behind her at mag-concentrate dun sa comeback niya.

Continue reading below ↓

“And hopefully, kapag matapos na yung case at lumabas na yung totoo, ay malaman na ng mga tao na yung naririnig nila about Claudine ay hindi totoo—yung alleged drug addiction, yung may diperensiya siya psychologically.”

Mahigit isang taon nang tumatakbo ang mga kaso ni Claudine laban kay Raymart, na nagsimula nang maghain ang aktres ng request for Temporary Protection Order (TPO) laban sa aktor noong July 2013.

Read: Claudine Barretto files Temporary Protection Order against husband Raymart Santiago

Kasunod nito ang pagsampa ni Claudine ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act o R.A. 9262 laban kay Raymart sa Marikina Regional Trial Court noong August 2013.

Read: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago



LIFE STORY OF CLAUDINE. Kapag tapos na raw ang kaso, balak ni Atty. Topacio na magsulat ng libro tungkol sa buhay ni Claudine.

“Alam mo, gusto ko na ngang matapos ang case na ito so I can…

Continue reading below ↓

"I’m even thinking of writing a book kung papaano, systematically, yung mga tao sa paligid niya ay sinira siya.

“I don’t know for what motivation, baka naiinggit yung ibang mga kapatid niya sa kanya or for whatever.

"Alam mo, because of this case, nakita ko lahat ng ebidensiya, documentary evidence.

“Na-interview ko yung mga ibang tao na may kinalaman sa buhay ni Claudine, kahit yung hindi naman kinakailangan sa kaso, just to give a complete picture.

"Nakita ko kung papaano yung career niya at personal life niya ay sinira nga systematically."

Dagdag pa ni Atty. Topacio, “Hindi ko sasabihin yung mga detalye ngayon, pero sasabihin ko ‘to after.

"I’m really seriously considering writing a book just to set the record straight.

"Ang daming mga kasinungalingan publicly na inilabas against Claudine na hindi naman totoo.

“May conspiracy ito, e, at hindi ko lang maibigay ang detalye, but the conspiracy is there.

Continue reading below ↓

"There are witnesses, there are documents, na yung kanyang personal na buhay, yung kanyang career, yung kanyang public image ay talagang sinira for reasons of her own na saka ko na ibubunyag.

"Pero mabigat ito talaga."

Marami na raw naipon na mga dokumento ang abugado na magpapatunay na si Claudine ang biktima sa lahat ng pangyayaring ito sa kanyang buhay.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa abugado ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdinand Topacio, kapag natapos na at nagkaroon na ng resolusyon ang mga kaso ng aktres laban sa estranged husband nito, malalaman daw ng mga tao na lahat ng mga naririnig nilang kasiraan tungkol kay Claudine ay walang katotohanan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results