Jerika Ejercito slams Kris Aquino for being "brutally honest but cannot handle the truth herself"

by Bernie V. Franco
Feb 5, 2015
Jerika Ejercito (left), daughter of Manila Mayor Joseph Estrada, posts this message on her Facebook account, obviously hitting Presidential sister Kris Aquino: “Don’t dish it out if you can’t handle it.”

Matapang ang naging pahayag ni Jerika Ejercito, anak ni dating Presidente at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada, sa kanyang Facebook account laban kay Kris Aquino, bunsong kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kanyang Facebook post noong Huwebes, February 4, inakusahan ni Jerika ang Queen of All Media na nambu-bully diumano ng kanyang guests sa dalawa niyang shows sa ABS-CBN: ang Aquino And Abunda Tonight at Kris TV.

Ayon pa kay Jerika, na anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez, pakiramdam ni Kris ay “entitled” siya “to be BRUTALLY HONEST” kahit anong oras.

Pero kita naman daw na hindi kayang i-handle ni Kris ang katotohanan.

Si Kris ay naging masugid na tagapagtatanggol ni PNoy sa isyu ng #Fallen44, ang Special Action Force troop members na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao, pagkatapos ng engkuwentro nila laban sa ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Jerika:

Continue reading below ↓

“Don't dish it out if you can't handle it. Sheesh...every night she bullies her guests on a&a and every morning does it all over again on her show cleverly named kristv her poor guests publicly humiliated...she feels entitled to be BRUTALLY HONEST day in, day out...but obviously cannot handle the truth herself.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kalakip ng nasabing post ni Jerika ay ang link ng artikulo mula sa SPOT.ph na may titulong Kris Aquino defends her brother, doesn’t seem to understand duties of the President.

Sa nasabing artikulo, binanggit dito ang pag-a-unfollow ni Kris kina Judy Ann Santos, Regine Velasquez, at Ogie Alcasid matapos umanong i-bash ng mga ito ang kapatid ng TV host-actress na si Pangulong Noynoy Aquino.

Nag-sorry naman si Kris kay Ogie at sinabing na-misinterpret lang ni Kris ang post ng singer-comedian sa social media.

Pagkatapos magkapatawaran, muling finollow ni Kris sina Ogie at Regine sa Instagram.

Tanong sa nasabing artikulo ng SPOT.ph: Masyado bang pinepersonal ni Kris ang isyu na kinasasangkutan ng kanyang kapatid, o hindi niya masyadong siniseryoso ang sentimyento ng mga taong bumatikos sa Pangulo sa social media, nang nabigo itong dumalo sa arrival honors para sa Fallen 44 sa Villamor Airbase noong January 29?

Continue reading below ↓

Read: Kris Aquino defends PNoy: "Hindi siya EPAL."

Read: Ogie Alcasid on Judy Ann Santos's Instagram post about the #Fallen44: “Lahat tayo may karapatan sabihin ang nais nating sabihin.”

Sa sumunod na post pa ni Jerika, kalakip nito ang link ng isa pang artikulo mula sa SPOT.ph na may titulong Kris Aquino: Champion of Silence.

Sumentro ang artikulo sa statement T-shirt na isinuot ni Kris sa episode ng Aquino And Abunda Tonight, kung saan nakasulat ang mga katagang: “How beautiful it is to stay silent when someone expects you to be enraged.”

Kilala si Kris sa pagiging vocal sa kanyang sentimyento.

Laman ng nasabing artikulo ang limang pagkakataon kung saan applicable ang pahayag ni Kris sa kanyang T-shirt, o nangangahulugang kung kailan dapat manahimik.

Tinukoy ni Jerika ang panglimang entry kung saan may nakasulat na: “Imagine where you would be right now had Filipinos stayed silent when your father was assassinated.”

Continue reading below ↓

Malinaw na si Kris ang pinapatungkulan ng nasabing panglimang entry.

Read Next
Read More Stories About
jerika ejercito, Kris Aquino
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerika Ejercito (left), daughter of Manila Mayor Joseph Estrada, posts this message on her Facebook account, obviously hitting Presidential sister Kris Aquino: “Don’t dish it out if you can’t handle it.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results