Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Toni Gonzaga: “I already have a wedding dress.”

by Bernie V. Franco
Feb 24, 2015
Toni Gonzaga will reveal the date of her wedding with Paul Soriano after doing her movie with Coco Martin. (In photo) Toni during her contract renewal last Monday, February 23. With her are (from left) ABS-CBN Head of TV Production Laurenti Dyogi, ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes, ABS-CBN President Charo Santos-Concio, and Mommy Pinty Gonzaga.

“Iba talaga magmahal ang Kapamilya,” ito ang nasambit ni Toni Gonzaga pagkatapos pumirma ng panibagong three-year contract sa ABS-CBN nitong Lunes, February 23.

Kabilang sa kontratang pinirmahan ni Toni ang paghu-host ng bagong reality TV show at bagong season ng Pinoy Big Brother sa darating na June.

Dagdag pa ni Toni sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News Online, nasa ika-sampung taon na ang PBB.

Isang teleserye rin ang nakatakdang gawin ni Toni, pagkatapos ng halos isang dekada nang huli siyang gumawa ng teleserye.

Sa kasalukuyan, nagsu-shoot si Toni ng pelikula nila ni Coco Martin under Star Cinema.


WEDDING DRESS. Samantala, sinabi rin ni Toni na may napili na siyang wedding dress na susuotin niya sa kasal nila ni Paul Soriano.

“I already have a wedding dress.

“Hindi ko pa masabi kung ano yung wedding dress. Siguro kapag malapit na, para 'di maudlot.

"Nag fitting na. Magpa-final fitting na lang."

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay nagbigay siya ng pahiwatig kung sino ang gagawa ng kanyang wedding gown.

Sabi ni Toni, “Actually, may dream designer talaga ako...

“Oo, dream ko siya bata pa ako...

“Kasi sa mga pelikula, siya yung napapanood ko. Siya ang naririnig ko basta kasal, ganyan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Siya yung kapag sinabing wedding, name niya ang lumalabas."

Nang isusain naman siya sa petsa ng kanyang kasal, sagot ni Toni, “Siguro ang masasabi ko pa lang, definitely it’s going to be this year.

Ihahayag daw ni Toni ang eksaktong petsa ng kanyang kasal pagkatapos ng ginagawa niyang pelikula kasama si Coco, bilang pagpapakita ng commitment niya sa movie project at bilang respeto na rin sa aktor.

Read Next
Read More Stories About
Toni Gonzaga wedding
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga will reveal the date of her wedding with Paul Soriano after doing her movie with Coco Martin. (In photo) Toni during her contract renewal last Monday, February 23. With her are (from left) ABS-CBN Head of TV Production Laurenti Dyogi, ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes, ABS-CBN President Charo Santos-Concio, and Mommy Pinty Gonzaga.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results