Claudine Barretto posts photos of son Santino and Marjorie’s son Leon; tags Julia Barretto

by Bernie V. Franco
Mar 3, 2015
Claudine Barretto expressed how much he loves Marjorie Barretto’s son Leon and said that she misses him so much.

Sunud-sunod ang pag-post ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account ng mga larawan ng bunsong anak na si Santino kasama si Leon, ang anak ng ate niyang si Marjorie Barretto, ngayong Martes, March 3.

Tila positibong indikasyon ito ng pagkakayos nina Claudine at Marjorie, na nagkaroon ng alitan.

Noong Huwebes, February 26, naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang komento ni Julia sa kanyang Tita Claudine na “She looks beautiful,” matapos mag-post ang isang common friend nila ng picture kasama ang aktres.

February 22, Linggo, nang mag-post naman si Marjorie sa kanyang Instagram account ng larawan ni Julia kasama si Batangas Governor Vilma Santos, at binanggit nito sa caption ang pangalan ni Claudine.

Nagkasama sina Claudine at Governor Vi sa 2000 movie na Anak.

Read: Are Marjorie and daughter Julia reaching out to Claudine Barretto?

CLAUDINE IS HAPPY. Tatlong larawan na magkasama sina Santino at Leon ang ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram account (@claubarretto) ngayong Martes.

Continue reading below ↓

Sa pangalawang photo, sinabi ni Claudine na na-miss niya nang husto ang pamangking si Leon.

Sa pangatlong photo, sinabi ni Claudine sa caption na mahal na mahal niya ang kanyang pamangkin at masaya siyang makita ito.

Naka-tag din sa nasabing caption ang Instagram account ni Julia, na posibleng indikasyon na ipinapaalam ni Claudine sa kanyang pamangking aktres ang kanyang pakikipagbati.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

My 2 blue eagles.😀❤️ Leon & Saint.i missed u soo much Leon!❤️

A photo posted by @claubarretto onMar 2, 2015 at 7:48pm PST

With my 2Boys.Leon & Santino❤️😊😘😘😘😘

A photo posted by @claubarretto onMar 2, 2015 at 7:47pm PST

Sa comment section naman, nagpasalamat si Claudine sa positibong reaction ng followers niya. At dalawang beses niyang sinabi na masaya siya.

Continue reading below ↓

Ipagdiriwang ni Julia ang kanyang debut sa March 10.

Kaugnay nito, noong nakaraang linggo ay nag-post din ng larawan si Claudine kung saan tila naghahanda siya para sa isang video interview.

Sa caption nito, inilagay ni Claudine: “A special for someone VERY SPECIAL.U know who u r.i luv u so much ”

Hindi man pinangalanan ng aktres kung para kanino ang gagawing video, marami ang nagkukomento na maaaring gagawa ng video greeting si Claudine para kay Julia.

A special for someone VERY SPECIAL.U know who u r.i luv u so much

A photo posted by @claubarretto onFeb 26, 2015 at 1:08am PST

Ang larawan ay kuha sa parehong araw na nai-post ang larawan ni Claudine kasama ang ABS-CBN writer na si G3 San Diego.

Dito, ay nag-comment si Julia ng: “She looks so beautiful!!!”

Samantala, ipagdiriwang naman ng nakatatandang kapatid nina Claudine at Marjorie na si Gretchen Barretto ang kanyang ika-45 kaarawan sa March 6, apat na araw bago mag-debut si Julia.

Sa hiwalay na panayam ay kinumpirma ni Gretchen na may "silent war" sila ni Marjorie.

Continue reading below ↓

Read: FIRST READ ON PEP. Gretchen Barretto confirms silent war with sister Marjorie: “At least, it’s silent!”

Kaalitan din ni Gretchen si Claudine.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto expressed how much he loves Marjorie Barretto’s son Leon and said that she misses him so much.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results