Patrick Garcia and Nikka Martinez tie the knot

by Bernie V. Franco
Mar 21, 2015
Patrick Garcia weds his non-showbiz fiancee Nikka Martinez in a wedding ceremony held in Parañaque City this Saturday, March 21.

Ikinasal na ang aktor na si Patrick Garcia sa non-showbiz fiancee nitong si Nikka Martinez nitong Sabado ng hapon, March 21, sa Blue Leaf Filipinas, Paranaque City.

Bukod sa mga kapamilya at kaibigan ng bride at groom, dinaluhan ito ng ilang showbiz personalities, gaya nina Cheska Garcia, kapatid ng groom, sina Antoinette Taus, Paula Peralejo, at Cogie Domingo.

Naroon din sa kasal ang anak ni Patrick kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na kasama rin sa entourage.

Nagsilbi namang little bride ang anak nina Patrick at Nikka na si Chelsea.

Sa artikulong lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong March 14, sinabi ni Patrick na hands-on sila ni Nikka sa pag-aayos ng kanilang kasal.

Gusto raw ni Patrick na makita ng mga tao ang sinseridad sa kanilang kasal.

"Kasi we're doing the right thing. We started it wrong," na ang tinutukoy niya ay ang pagakakaroon nila ng baby nang hindi pa kasal.

Continue reading below ↓

"Gusto naming ayusin ang pagkakamali namin. Para rin sa anak namin at sa aming dalawa,” ani Patrick.

Isinilang ni Nikka si baby Chelsea noong 2013.

Read: Patrick Garcia on his wedding to Nikka Martinez: "Gusto naming ayusin ang pagkakamali namin."


Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patrick Garcia weds his non-showbiz fiancee Nikka Martinez in a wedding ceremony held in Parañaque City this Saturday, March 21.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results