Did Annabelle Rama just call daughter Ruffa Gutierrez “tanga” and “bobita”?

by Bernie V. Franco
Apr 17, 2015
Annabelle Rama posted spiteful tweets about a person, whom she describes as someone who made the wrong choice of the man she is currently with.

“Bato-bato sa langit, ang tamaan, ‘wag magagalit…”

Bahagi lamang ito ng sunud-sunod na tweet messages ni Annabelle Rama ngayong Biyernes ng hapon, April 17, kung saan binatikos niya ang isang babaeng aniya’y matalino subalit bobo pagdating sa pag-ibig.

Hindi direktang pinangalanan ni Annabelle kung sino ang tinutukoy niyang babae.

1. Hello my Twitter followers. I'm back and I miss you all... Bato bato sa langit ang tamaan 'wag magalit...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) April 17, 2015

2. Super talino sa lahat ng bagay. Hardworking at nag-aral sa ilang expensive schools here and abroad...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) April 17, 2015

Gayunpaman, tinawag ng talent manager na "bobita" at "tanga" ang taong tinutukoy pagdating sa pagpili ng lalaking nakakarelasyon nito.

3. Pero pagdating sa pagpili ng lalaki, super tanga at bobita, mahilig sa mga lalaking palamunin, "escort" ng mga sosyal na bading...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) April 17, 2015

Inakusahan din ni Annabelle ang tinutukoy niyang tao na mas pinipili raw gastusan ang boyfriend kesa sa mga sarili nitong anak.

4. Mas important gastusan ang lalaki kesa mga anak. Laging nasa computer, naghahanap kung saan may airline promo papuntang NYC, LA & Europe

— Annabelle Rama (@annabellerama2) April 17, 2015

Sumunod pang maanghang na tweet ni Annabelle:

5. 'Di ba bonggang-bonggang "Certified Sugar Mommy"... 'Pag may mag-react "Guilty"...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) April 17, 2015

Binalaan din ni Annabelle ang tinutukoy na tao na mag-ingat sa napili niyang lalaki, na nang-iiwan daw kapag wala nang napapala sa karelasyon.

6. Mag-ingat lang sa ganoong klaseng lalaki, ayaw magtrabaho, naghahanap lang nang magsusuporta sa kanila.. Naku,, 'di magtagal, hahanap...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) April 17, 2015

7. 'Yan ng iba. Pag wala nang makukuha sa 'yo maghahanap ng iba na mas bata...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) April 17, 2015

Binatikos din ni Annabelle ang mga kaibigan ng tinutukoy niyang tao dahil sa pagiging "B.I." o “bad influence” ng mga ito.

8. Mga kaibigan puro B.I. Kung mahal ka ng mga kaibigan mo, hindi ka dapat ipakilala sa mga ganoong klaseng lalaki... mga kunsentidor...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) April 17, 2015

IS ANNABELLE REFERRING TO RUFFA? Wala mang binanggit na pangalan si Annabelle kung sino ang tinutukoy niyang tao, ang mga paglalarawan niya rito ay tumutugma sa panganay at nag-iisang anak niyang babae na si Ruffa Gutierrez.

Continue reading below ↓

Inamin naman ni Ruffa nitong Marso na hindi boto ang kanyang ina sa French-Israeli boyfriend niyang si Jourdan Mouyal.

Sa artikulong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 14, tinawag pang PG o “patay gutom” ni Annabelle ang boyfriend ni Ruffa at hindi umano ito makabubuti sa anak na actress-beauty queen.

Gayunpaman, sinabi ni Ruffa na nagbati naman sila ng kanyang ina nang magkita sila sa debut ni Julia Barretto noong March 10.

Pero sinabi rin Ruffa na nagkabati sila ng kanyang ina dahil wala silang choice dahil magkatabi sila ng upuan sa nasabing event.

Read: Ruffa Gutierrez reveals recent spat with mom Annabelle Rama over her BF Jourdan Mouyal

Samantala, hindi naman ito ang unang beses na nagsalita si Annabelle ng kanyang disgusto pagdating sa lovelife ng kanyang unica hija.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Annabelle Rama posted spiteful tweets about a person, whom she describes as someone who made the wrong choice of the man she is currently with.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results