Janine Tugonon reacts to Olivia Culpo’s Instagram post: “I don’t see anything wrong about it.”

by Bernie V. Franco
May 4, 2015
Matapos maging kontrobersiyal ang Instagram post ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo, nag-react via Twitter si Janine Tugonon at sinabing wala siyang nakikitang masama sa post ni Olivia na nakalaban niya sa Miss Universe pageant. (Photo) Sina Janine at Olivia sa kanilang "face-off" sa Miss Universe 2012 pageant.

Nag-react si Janine Tugonon sa ginawang post ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa kanyang Instagram nitong Linggo, May 3.

Sa nasabing IG post ay ikinumpara ng American beauty queen ang paghaharap nila ni Janine noon Miss Universe 2012 sa laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas noong May 2.

Si Janine, na kandidata noon ng Philippines, ang first runner-up ni Olivia sa Miss Universe 2012, na ginanap sa Planet Hollywood Resort and Casino, sa Las Vegas, Nevada.

Sa Instagram post ni Olivia, inihalintulad niya ang nangyaring boxing match nina Pacquiao at Mayweather sa nangyaring “face-off” nila ni Janine para sa Miss Universe crown tatlong taon na ang nakalilipas.

Ginamit pa ni Olivia sa kanyang Instagram ang caption na “Phl vs USA,” subalit in-edit niya ito pagkalipas ng ilang sandali dahil umani siya ng maraming kritisismo mula sa netizens na nainsulto sa ginawang pagkukumpara ng dating Miss Universe.

Continue reading below ↓

Read: Beauty queens Pia Wurtzbach, Olivia Culpo draw flak due to their social media posts after Pacquiao-Mayweather fight

Gaya kasi ng Pacquiao-Mayweather fight, ang Miss Universe 2012, kung saan naglaban ang USA at Philippines, ay nangyari rin sa Las Vegas, Nevada.

JANINE REACTS. Sa kanyang Twitter account nitong Linggo, May 3, nag-tweet si Janine na wala siyang nakikitang masama sa post ni Olivia,.

Sagot ni Janine: “I don’t see anything wrong about it either ?? It’s a cool edit #thatsjustme #happyalways.”

Sumagot naman dito si Olivia at sinang-ayunan ang sinabi ni Janine.

Sumagot naman ng smiley si Janine kay Olivia, patunay na walang anumang tensiyon na namamagitan sa Miss Universe pageant batchmates.

@gelogallardo i dont see anything wrong about it either ?? Its a cool edit #thatsjustme #happyalways 😊

— Janine Mari Tugonon (@janine_tugonon) May 3, 2015

@janine_tugonon @gelogallardo I agree 😘

— Olivia Culpo (@oliviaculpo) May 3, 2015

@oliviaculpo 😘

— Janine Mari Tugonon (@janine_tugonon) May 3, 2015
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos maging kontrobersiyal ang Instagram post ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo, nag-react via Twitter si Janine Tugonon at sinabing wala siyang nakikitang masama sa post ni Olivia na nakalaban niya sa Miss Universe pageant. (Photo) Sina Janine at Olivia sa kanilang "face-off" sa Miss Universe 2012 pageant.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results