Annabelle Rama resumes rant on Twitter after daughter Ruffa Gutierrez's interviews

by Arniel C. Serato
May 8, 2015
Tila hindi bumenta kay Annabelle Rama ang mga pahayag ng anak niyang si Ruffa Gutierrez na nami-miss na niya ito at baka raw magpadala siya ng bulaklak sa ina sa darating na Mother’s Day. Bagkus, puro pasaring pa rin ang tweets ni Annabelle tungkol sa mga sinabi ni Ruffa sa interviews nito kahapon, May 7.

Tila hindi nabagbag ang damdamin ni Annabelle Rama sa mga binitawang salita ng anak na si Ruffa Gutierrez na nami-miss na niya ang ina.

Sa magkasunod na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa former Miss World Second Princess, sinabi nitong na-miss na niya ang sweet messages ng ina.

At sa darating na Mother’s Day ay baka padalhan daw niya ito ng bulaklak.

Read: Ruffa Gutierrez not bothered by mom Annabelle Rama's recent tweets

Sa isa pang panayam ng PEP, apektado man ang nobyo na si Jourdan Mouyal sa mga naging pasaring ng ina ni Ruffa sa Twitter, sinabi ng actress-TV host na pinili niyang huwag na lang itong sagutin.

Read: Ruffa Gutierrez admits boyfriend Jordan Mouyal hurt by Annabelle Rama's Twitter rant

Ilang oras matapos lumabas sa PEP ang dalawang panayam kay Ruffa kahapon, May 7, kaagad namang nagparamdam si Annabelle sa kanyang Twitter account tungkol sa mga naging pahayag ng anak.

Continue reading below ↓

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Annabelle ay halatang ang panganay at nag-iisang anak na babae ang pinatutungkulan niya.

Sabi ni Annabelle, “napaka-plastic” daw nito at akala'y “virgin” kapag lumalabas sa TV.

Ipinagdiinan din ni Annabelle na hindi niya babatiin ang taong kanyang tinutukoy.

Sinabihan din niya itong “asikasuhin na lang ang alagang aso” na P.G.—as in “patay-gutom.”

Narito ang sunud-sunod na tweets ni Annabelle kahapon, May 7:

1) Napaka plastic mo. Bakit ayaw mong ilabas ang totoo mong ugali!

— Annabelle Rama (@annabellerama2) May 7, 2015

2) Pag nasa TV ka, akala mo virgin. Wag kang umasa na babatiin kita...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) May 7, 2015

3) You missed me? Bull shit!!! Asikasuhin mo na lang yung alaga mong aso as in asungot, P.G.

— Annabelle Rama (@annabellerama2) May 7, 2015
Read Next
Read More Stories About
Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila hindi bumenta kay Annabelle Rama ang mga pahayag ng anak niyang si Ruffa Gutierrez na nami-miss na niya ito at baka raw magpadala siya ng bulaklak sa ina sa darating na Mother’s Day. Bagkus, puro pasaring pa rin ang tweets ni Annabelle tungkol sa mga sinabi ni Ruffa sa interviews nito kahapon, May 7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results