Comedienne Joy Viado asks for financial assistance to save her leg from amputation

by Bernie V. Franco
May 8, 2015
Comedienne Joy Viado will undergo third operation in an attempt to save her leg from being amputated due to diabetes. Joy is asking friends for financial assistance for the said operation.

Nananawagan ang comedienne na si Joy Viado sa kanyang mga kaibigan para sa tulong-pinansiyal.

Sasailalim kasi siya sa operasyon upang subukang isalba ang kanyang paa na nanganganib maputol dahil sa sakit na diabetes.

Sa ulat ni Ahwel Paz ng dZMM nitong Biyernes ng tanghali, May 8, sinabi niyang humihingi ng tulong-pinansiyal si Joy dahil sasailalim ito sa ikatlong operasyon.

Ayon pa sa ulat, ikinukusindera na ng mga doktor ni Joy sa Chinese General Hospital na putulin ang kanyang paa, pero susubukan itong isalba sa ikatlong operasyon.

Panawagan ni Joy sa video interview sa kanya ng dZMM, habang naka-confine sa ospital, “Nananawagan po ako yung nakakaluwag-luwag naman po, mga LL diyan, tulong lang po, konting tulong na pinansiyal po.

“Kasi alam niyo naman po, pagdating sa ospital kasi, lalo na ang mga gamot, umiiyak ako sa gamot.”

Sinabi pa sa ulat na libre ang gastusin ng mga pasyente sa charity ward ng nasabing ospital, subalit malaking halaga ang kailangan pagdating sa gamot at isasagawang operasyon kay Joy.

Continue reading below ↓

Kaugnay nito, isang fundraising charity concert ang isasagawa ng mga kaibigan ni Joy sa May 31 upang makalikom ng pondo para sa pagpapagamot nito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Joy Viado will undergo third operation in an attempt to save her leg from being amputated due to diabetes. Joy is asking friends for financial assistance for the said operation.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results