Benjie Paras's wife thanks stepsons Andre and Kobe for their "public greeting" on Mother's Day

by Arniel C. Serato
May 14, 2015
Nagpasalamat si Lyxen Diomampo-Paras sa stepsons niyang sina Andre at Kobe Paras sa pagmamahal ng dalawa sa kanya. Sinabi rin niyang ang mga batikos na kanilang natatanggap ang lalaong nagpapatibay sa kanilang samahan.

Nagpasalamat si Lyxen Diomampo-Paras sa stepsons niyang sina Andre at Kobe Paras dahil sa madamdamin nilang Mother's Day message para sa kanya noong May 10.

Sa Instagram post ni Andre noong Mother's Day, sinabi nitong mamahalin niya habang buhay ang pangalawang ina dahil sa mga sakripisyo nito sa kanila ni Kobe.

Sina Andre 19, at Kobe, 17, ay mga anak ni Benjie Paras sa estranged wife nitong si Jackie Forster.

Read: Jackie Forster still wishes to reconcile with sons; Andre and Kobe Paras salute stepmom Lyxen Diomampo on Mother’s Day

Sa naturang post ni Andre ay nagkomento si Lyxen.

Dito ay sinabi niyang baka sa ginawang public greeting ni Andre ay dumugin na naman sila ng kanilang mga "favorite people."

Maaaring ang tinutukoy ni Lyxen ay ang bashers at haters ng magkapatid, pati na nila ni Benjie.

Sabi ni Lyxen: "THANK YOU, KUYA!! I love you Wow.

"Aside from yesterday’s gift, a public greeting is one that I did not expect. I admire your courage, yours and Kobe’s.

Continue reading below ↓

"We know that because of this, our favorite people will start surfacing again (and we welcome the introduction).

"Yes, ‘nak, be secure that no matter what, I’ve got your back. Those who don’t matter don’t understand that the harder they hit, the closer the 6 of us get."

FAMILY'S GREATEST BLESSINGS. Bahagi pa ng mensahe ni Lyxen ay ang pasasalamat nito sa mga tagasuporta ng dalawa niyang stepsons.

Itinuturing din niyang mahalagang biyaya sa kanilang pamilya sina Andre at Kobe.

"Thank you very much to everyone else who extended their greetings.

"To the guys and girls who have been supporting Andre and Kobe, if only you could know them deeper, the way their dad, their close friends, and I know them, you will find out that the young men inside are even more good looking than their handsome faces.

"@andreparas95 and @_kobeparas are 2/4 of our family’s greatest blessings. Sending hugs to everyone."

Continue reading below ↓

Halos ganito rin ang sinabi ni Lyxen tungkol sa Instagram post ni Kobe.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpasalamat si Lyxen Diomampo-Paras sa stepsons niyang sina Andre at Kobe Paras sa pagmamahal ng dalawa sa kanya. Sinabi rin niyang ang mga batikos na kanilang natatanggap ang lalaong nagpapatibay sa kanilang samahan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results