Pia Guanio leaves 24 Oras after 11 years

by Arniel C. Serato
May 29, 2015
Gusto raw ni Pia Guanio na bigyan ng mas mahabang oras at atensiyon ang lumalaki niyang anak na si Scarlet, kaya nagdesisyon ang TV host na umalis na bilang "Chika Minute" segment host sa primetime newscast ng GMA Network na 24 Oras.

Ngayong gabi ng Biyernes, May 29, ang huling beses na mapapanood si Pia Guanio bilang host ng "Chika Minute" segment ng GMA primetime news program na 24 Oras.

Matapos ang halos-labing isang taon, nagdesisyon ang TV host na umalis na sa nasabing programa upang makapag-focus daw siya sa kanyang asawang si Steve Mago at sa lumalaki nilang anak na si Scarlet.

Sa tweets ni Pia ngayong umaga ng Biyernes, nagpasalamat siya sa GMA sa tiwalang ibinigay sa kanya para mag-anchor sa showbiz segment ng 24 Oras.

So after 11 years of doing Chika Minute on @24OrasGMA, I've decided to say good bye tonight.

— pia guanio-mago (@piaguanio) May 29, 2015

I'm doing this to be able to spend more time with Steeve and especially Scarlet.

— pia guanio-mago (@piaguanio) May 29, 2015

Thank you for watching and making Chika Minute so much a part of your daily news habit.

— pia guanio-mago (@piaguanio) May 29, 2015

I want to thank @gmanews for the trust they gave me anchoring Chika Minute for 11 years.

— pia guanio-mago (@piaguanio) May 29, 2015

And I want to thank the Lord above for all His many blessings.

— pia guanio-mago (@piaguanio) May 29, 2015

Mapapanuod pa rin ang TV host sa noontime show na Eat Bulaga! at sa lifestyle show ng GMA News TV na Homebase.

GMA STATEMENT. Kaugnay ng pag-alis ni Pia sa 24 Oras, naglabas ng official statement ang GMA Network upang pasalamatan sa kanyang naging serbisyo.

Narito ang buong statement ng GMA:

“After 11 years at the forefront of showbiz news, Pia Guanio has decided to say goodbye to Chika Minute on 24 Oras.

Continue reading below ↓

“Pia decided to let go of her anchoring duties on 24 Oras to prioritize family life and raising her daughter Scarlet with her husband Steve Mago.

“GMA Network understands the importance of family and is fully behind Pia’s decision to move forward.

“Pia has been with 24 Oras since it launched in 2004, carving a niche in entertainment news with her fun and classy news delivery.


"With Pia's help, Chika Minute has etched itself in the consciousness of Pinoy pop culture, with the trademark voice of Pia signalling the start of showbiz news.

“Aside from showbiz news, Pia has also advocated for healthy living and animal rights and produced stories and news features on these.

“24 Oras is grateful for Pia’s contributions to make it the leading and most credible newscast in the country today.”


PIA’S REPLACEMENT. Sinabi rin ni Pia sa kanyang tweet na malalaman ngayong gabi kung sino ang papalit sa kanya bilang bagong anchor ng "Chika Minute."

Continue reading below ↓

Watch @24OrasGMA later to find out who will be my replacement.

— pia guanio-mago (@piaguanio) May 29, 2015

Ilan sa mga nag-pinch-hit kay Pia kapag absent siya sa 24 Oras ay sina Heart Evangelista, Julie Anne San Jose, Sunshine Dizon, Luane Dy, at Iya Villania.

Ayon sa isang source na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matunog ang pangalan ni Iya na hahalili kay Pia, pero hindi pa raw ito kumpirmado.

Read Next
Read More Stories About
Pia Guanio
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gusto raw ni Pia Guanio na bigyan ng mas mahabang oras at atensiyon ang lumalaki niyang anak na si Scarlet, kaya nagdesisyon ang TV host na umalis na bilang "Chika Minute" segment host sa primetime newscast ng GMA Network na 24 Oras.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results