PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erich Gonzales on Enchong Dee: "He's the one closest to my heart."

The 19-year-old actress says that she did not undergo breast enhancement.
by Melba R. Llanera
Published Jan 10, 2010
Erich Gonzales says that she did not undergo breast enhancement for her mature role in Katorse. For her next project, Tanging Yaman, the 19-year-old actress portrays a Presidential daughter named Fina.

Sa tagumpay na patuloy na tinatamasa ng Katorse, hindi kataka-taka kung may kasunod na kaagad na proyekto si Erich Gonzales bilang bida. Ito ay ang Tanging Yaman to be aired this Monday, January 11, on ABS-CBN. Makakapareha niya dito muli ang mga co-stars niya sa Katorse na sina Enchong Dee at Ejay Falcon.

Sa nakaraang grand presscon ng Tanging Yaman, di itinago sa amin ng young actress na nakakaramdam siya ng pressure at sobrang kasiyahan sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng kanyang mother studio.


"Yung success ng Katorse di lang naman dahil sa akin 'yun, it's because of the whole Katorse team, ang buong cast namin, the staff, our director and 'yong creative team na siyang nag-iisip kung paano pa mas pagagandahin 'yong istorya. May pressure oo, pero sa ngayon, I'm very thankful and blessed sa lahat ng magagandang nangyayari sa akin."

Si Erich ang gaganap na Fina Policarpio, ang tunay na anak ng Presidential family sa istorya. Ayon kay Erich, kahit medyo mature ang role niya sa Katorse as a young mom, wholesome naman ang character niya sa Tanging Yaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Ako dito si Fina, palaban, astig na may pagka-kikay, simpleng tao lang naman siya. Di talaga siya nagpapa-api at para sa pamilya niya, lahat gagawin niya.


"Di naman ako nalilinya sa mga pa-sexy and daring roles like dito sa Tanging Yaman iba ang character ko. 'Yung pagpapa-sexy, depende naman 'yan sa story kung kailangan talaga. Dito, wala naman."


Klinaro din ni Erich ang issue na nagpalaki raw siya ng boobs na kapansin-pansin daw sa mga eksena niya sa Katorse.


"Di totoo 'yun, kung sinuman ang ngasasabi nun, sige nga, maglabas ng proof. Malakas ang loob ko na magsabi ng ganun kasi di ko ginawa. Although may mga nagsasabi sa akin na magpagawa na raw ako ng boobs, magparetoke naman raw ako, ayoko kasi it's a personal choice na wag na lang kasi happy ako kung ano ang mayroon ako at yun nga, kahit anuman 'yan, puwede namang gawan ng paraan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RIFT WITH EJAY FALCON. Isa sa mainit na isyung pinag-usapan sa Katorse ay ang rift sa pagitan nila Erich at kaparehang si Ejay Falcon kung saan nagsalita daw ang huli na di sisikat si Erich kundi dahil sa kanya. Ngayon ay magkasama na naman uli ang dalawa sa Tanging Yaman.


"Siyempre kailangang pairalin mo 'yung professionalism, it's work naman di ba? So walang personal talaga. Kung anuman 'yung personal mong nararamdaman basta pagdating sa trabaho, kailangang isantabi mo 'yun."

May kasabihan ang iba na ang lalaking pumapatol daw sa babae ay bakla. Naniniwala rin daw kaya si Erich sa ganitong belief nating mga Pinoy?


"Kanya-kanyang opinion 'yan, eh. Sa akin kasi parang nakakapanibago lang, nakakagulat. It's very strange na 'yung isang lalaki papatol sa babae dahil di naman talaga dapat ganun. Kahit na ano pa ang nangyari, babae pa rin 'yon."

Sa tanong namin kung bukas ba siya sa pakikipag-ayos kay Ejay, heto ang sinagot sa amin ni Erich: "Basta hayaan na lang nating ma-settle naming dalawa 'yun. I know in time maaayos rin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ERICH DEFENDS ENCHONG. Hindi naman kinaila ni Erich na sa lahat ng mga young actors ng ABS-CBN, si Echong Dee ang masasabi niyang pinakaespesyal para sa kanya. Ang sweetness ba kanila ay pang publicity lamang lalo't pinu-push ang tambalan nilang dalawa? Ano naman ang reaksiyon ni Erich sa mga balitang patuloy na kinu-question ang gender preference ni Enchong?


"Hindi kasi kahit dati pa naman close na kami but I can say na because of Katorse and Tanging Yaman, mas naging close talaga kami, mas nakilala namin ang isa't-isa at masaya kami sa kung ano ang mayroon kami. He's the one closest to my heart and ine-enjoy namin 'yong friendship namin, we have a very solid friendship talaga.


"Kung mayroon mang tao na makakapagsabi kung ano ang totoo, siguro kasama ako dun dahil nga kasama ko siya halos everyday. Napaka-gentleman niya, wala kong nakikitang kahit na ano sa kanya. Sa mga nagsasabi ng ganyan, sana tigilan na kasi walang magandang naidudulot 'yan. Hindi 'yan totoo--he's not gay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero paano raw kaya i-explain ni Erich ang lumabas na balita before na bakla ang tawag niya kay Enchong sa taping ng Katorse?


"Kami kasi sa Katorse, [madalas sabihin] 'Bakla, make up na,' kasi 'yong mga make up artists namin dun, karamihan ganun pero si Enchong, di ko siya tinawag na ganun, I call him Honey."


"It started nung may kinukunan kaming eksena sa Katorse, nakita ko siya na may mga kasamang mga babae, sabi ko, 'Honey, tara na.' After nung eksena na 'yon, honey na ang tawagan namin."

Sa Kapamilya Network, sina Kim Chiu, Melissa Ricks at Erich ang mga teen actresses na binibigyan ng malalaking proyekto ngayon at di maiiwasang maikumpara at magkaroon ng kumpetisyon sa pagitan nila. Erich assured PEP na magkakaibigan silang tatlo at walang lugar ang salitang kompetisyon sa kanilang tatlo.


"Pinagtatatawanan lang namin 'yan, magkakaibigan talaga kami. Mayroon nga kaming group, it's Chumgogobascho. Kinuha sa mga panagalan namin, si Kim, si Melissa, si Beauty [Gonzalez, former Pinoy Big Brother Teen Edition housemate], si Empress [Schuck], ako and Kit-Kat. Kami-kami 'yon, lumalabas, nagdi-dinner, nagmo-movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Mapapanood na ang Tanging Yaman simula January 11, 2010. Ipapalabas ito pagkatapos ng Precious Hearts Romances sa ABS-CBN.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erich Gonzales says that she did not undergo breast enhancement for her mature role in Katorse. For her next project, Tanging Yaman, the 19-year-old actress portrays a Presidential daughter named Fina.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results