Alex Castro settles issue with ex-girlfriend Jef Gaitan; defends current GF Sunshine Garcia

by Bernie V. Franco
Jun 17, 2015
Alex Castro reveals that he and ex-girlfriend Jef Gaitan have finally talked and forgiven each other. He also says that his relationship with Sunshine Garcia is going strong.

Nagbiro ang actor-sina singer na si Alex Castro na hindi siya nagdamit sa upcoming Wattpad Presents Jenny and the Magic Arinola ng TV5.

Makikita kasi rito ang kanyang kakisigan dahil sa role niya bilang isang genie, kaya tiniyak niyang physically ready siya para sa project.

Saad ni Alex, “Kung ano po yung makita sa TV, yun na po ang magiging image mo, e.

“For example, pag ang image mo maganda yung katawan, and then 'di mo na-maintain, parang ang laking kasalanan na hindi na ganun kaganda yung katawan mo.”

Magsisimulang umere ang Wattpad Presents Jenny and the Magic Arinola sa Lunes, June 22.

PAST AND PRESENT. Nabanggit na rin lang niya ang imahe, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex kung naapektuhan ba ang kanyang image nang pumutok ang isyung pinagsabay raw niya ang pakikipagrelasyon kina Jef Gaitan at Sunshine Garcia.

Si Jef ay isang actress-model at dating castaway ng GMA reality show na Survivor Philippines, habang si Sunshine naman ay dating miyembro ng SexBomb Dancers.

Continue reading below ↓

Magkasama ang dalawang sexy stars sa gag show ng ABS-CBN na Banana Nite.

Marso 2015 nang mag-post sa social media si Jef tungkol sa pagbisita niya sa condo unit ni Sunshine at nakita niya sa kuwarto si Alex.

Sinabi ni Jef na pinagtaksilan siya ng kaibigang si Sunshine, na hindi raw sinabing may namamagitan sa kanila ni Alex.

Read: Jef Gaitan exposes "betrayal" of rumored boyfriend Alex Castro and friend Sunshine Garcia


NOT A TWO-TIMER. Sa presscon ng Wattpad Presents na ginanap sa Kimono Ken, sa Tomas Morato, Quezon City, nitong Miyerkules, June 17, sinabi ni Alex na nagkausap at nagkaayos na sila ni Jef.

“Okay na naman po ang lahat.

"And then, nung nangyari naman po ‘yon, hindi ko masisisi [si Jef] kasi hindi ko alam ang feelings niya.

"'Tsaka babae po ‘yon, e."

Naapektuhan daw si Alex sa mga bashers na bumatikos sa kanya, subalit ang mahalaga raw ay alam ng mga taong malapit sa kanya ang totoo.

Continue reading below ↓

Ito ay break na sila ni Jef nang magkamabutihan sila ni Sunshine.

“Sa akin na lang, alam ko yung mga taong nakakaalam ng buong istorya, especially yung mga taong nasa paligid namin, yung mga taong kaibigan namin, pamilya namin.

“Alam nila kung ano yung totoo.

"Kasi yung mga taong hindi mo kilala, kahit anong explanation ang sabihin mo sa kanila, if they hate you, kapag ayaw ka nilang paniwalaan, mamba-bash at ihe-hate ka pa rin nila.”

Idiniin ni Alex na nakipag-break na sa kanya si Jef noong January 2015, bago pa man nangyari ang pagkikita-kita nilang tatlo sa condo noong March.

Giit niya, “Siya [Jef] kasi ang nakipag-break sa akin.

“Ang gusto ko lang malaman ng tao na hindi ako nagsabay at hindi nang-agaw yung isa [Sunshine], at yung isa [Jef] ang nakipaghiwalay.

“Siguro dumating lang yung point na magkakilala sila, magkatrabaho sila.”


FORGIVE AND FORGET. Ibinahagi rin ni Alex na nagkausap at nagkaayos na sila ni Jef.

Continue reading below ↓

“Dumating naman yung time na nagkausap kami, nagkabigayan naman ng sorry, nagkapatawan naman, so para matapos na rin ang lahat,” sabi ng aktor.

Sa kasalukuyan, sila pa rin ni Sunshine at tatlong buwan na silang magkarelasyon.

Nagkausap na ba sina Jef at Sunshine?

Pag-amin ni Alex, “Hindi pa kasi sila nag-uusap.

"Maaaring yung galit nawala na, pero I don’t know if kung ano yung mangyayari kung magkita sila at kung paano.

"Pero hindi naman sila mag-aaway."

Sa pagkakaalam daw ni Alex, may nakalinyang trabaho na magkasama sina Jef at Sunshine, at umaasa siyang baka doon na magkausap ang dalawa.

Sinabi rin ni Alex na naging unfair ang sitwasyon para sa kanyang girlfriend ngayon na si Sunshine, na nahusgahan na third party sa breakup nila ni Jef pero mas piniling manahimik na lamang noong kasagsagan ng isyu.

“Naging unfair din talaga kasi hindi niya naipagtanggol ang sarili niya.

Continue reading below ↓

"Ako lang yung nagsalita para ipagtanggol siya, para linawin.

"Kasi hindi ko naman siya kailangang ipagtanggol, kasi kailangan ko lang sabihin kung ano yung totoong nangyari."

Nadawit din ang pangalan ni Sunshine sa breakup noon nina Bianca Manalo at John Prats.

Saad pa ni Alex, “Parang ang dating sa tao, nang-agaw na naman siya.

"Ang ano nga sa kanya, ‘Porke’t ba mukha akong ganito, ang hitsura ko [pa-sexy] o komedyante ako, hindi ako marunong mag-English, mas paniniwalan mo yung ganyan?’

“Pero para sa kanya, tapos na. At para kay Jeff, tapos na naman.

"Hindi na kailangan magkaroon pa ng panibagong issue. Masaya na naman pareho."

Aminado si Alex na hanggang ngayon ay may mga namba-bash pa sa kanila ni Sunshine, subalit mas pinipili nilang huwag na lamang iyon patulan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Castro reveals that he and ex-girlfriend Jef Gaitan have finally talked and forgiven each other. He also says that his relationship with Sunshine Garcia is going strong.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results