Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi lang isa o dalawa ang naging guests ng PEPtalk shoot noong April 3 kundi labing-isa!!!
Nakakuwentuhan nina Demai Granali, section editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at Rizza Benedicto, editorial assistant, ang latest batch ng Star Magic na sina Janella Salvador, Alexander Diaz, Jon Lucas, Michelle Vito, Julian Estrada, Kit Thompson, Liza Soberano, Jane Oineza, Jerome Ponce, Ingrid dela Paz, at Julia Baretto.
At ano ang naging kinalabasan ng episode? Puno ng kuwela, kulitan, at katatawanan!
Narito ang unang bahagi na itinatampok sina Janella, Alex, Jon, at Michelle.
Demai: Alright, umpisahan na natin with the first question para sa una nating guest na very pretty, Janella.
Siyempre ico-congratulate ka muna naming sa success ng Be Careful with my Heart.
Kamusta naman ang taping ngayon ang working relationship with the other cast?
Janella: "Siyempre ang taping nakakapagod pero masaya naman…”
Demai: Anong na-feel mo kasi di ba this is your first TV project, am I correct?
Janella: “Yes! Of course sobrang lucky ko kasi first project ko pa lang, sobrang angat na siya 'tapos yun, if not for Be Careful [With My Heart], hindi ako aangat nang ganun.”
Demai: And right now, do you feel any sort of pressure? Kasi siyempre, nakilala ka na sa Be Careful With My Heart, yung mga susunod na projects na darating in the future, nape-pressure ka ba? Or ano bang nararamdaman mo?
Janella: “Hindi naman po ako nape-pressure, actually, na-e-excite ako sa mga future projects ko kasi I really love being in front of the camera.”
Demai: You grew up with two celebrity parents, [sina] Ms. Jenine Desiderio and Juan Miguel Salvador, kamusta yung relationship mo with your parents right now?
Janella: “Actually, I only grew up with my mom. Well, para kaming best friends, ganun lang. Lagi niya akong hinahatid sa set.”
Ang sumunod sa hot seat ay ang three-years-in-a-row Candy Cutie na si Alexander “Alex” Diaz.
Rizza: Paano yung pagtawid from modelling to acting? Ano yung gusto mong i-pursue talaga?
Alex: “I started out with Candy as sort of a part time job talaga coz I needed money. I needed to support my college lifestyle.
“But then, nagkataon lang na I really want to pursue my passion talaga which is the arts— not just singing and dancing or acting.
“Sa ngayon, I’m not really choosing what path I’m taking. I just sort of go with the flow.”
Rizza: You also sing. Do you plan to have an album soon?
Alex: “I’d love to have a sort of a jazzy type, RnB album.”
Rizza: So you’re not yet certain on what path are you taking? Singing? Acting?
Alex: “I wanna know everything.”
Rizza: We knew that your dad wasn’t in favor of you going into modeling. But you proved him wrong when you became a Dean’s Lister in college, right?
Alex: “Yeah! My dad never really thought that the arts would get me anywhere. He sort of wanted me to pick up the pieces. I guess it’s because protective nga po siya.
“When he found out that I started modeling for money, and I bought my own dog, sort of bought wakeboards for my wakeboarding competitions, and he saw that I was a Dean’s Lister at school, he said, ‘Alam mo, why don’t you cool yourself from school for a while? You’re the youngest of your batch anyway. Pursue your dreams and goals.’
“So, yun po.”
Rizza: How were you able to manage studying and doing other [things].
Alex: “Actually, nung naging part po ako ng Star Magic nung November 2012, my dad actually was the one who said na, ‘Wag ka munang mag-aral. Mag-leave of absence ka muna so you could take it seriously. Para wala ka nang ibang iniisip kundi ‘yan. Nandiyan lang yung focus mo.’
“So, I’m not in school at the moment.”
Kinuwento naman ni Jon Lucas kung paano siya napunta sa pag-aartista at kung sino ang kanyang mga idolo.
Demai: Nabasa naming sa profile mo na ang gusto talaga ay maging isang basketball star.
Pero parang naligaw naligaw ang iyong track at napasok ka sa showbiz. Kuwento mo naman sa amin kung paano nangyari ‘yon.
Jon: “Totoo po yun na ang gusto ko talaga ay maging basketball player po.
“E, nung sumali po ako sa pageant, at nung nanalo na ako, naisip ko na try ko namang mag-auditon sa ABS.
“Nung nag-audition ako, nakuha po ako, nakalimutan ko na po yung kagustuhan kong maging university basketball player.”
Demai: Yung first auditon mo ba na yun, was that the time na napasok ka na sa Star Magic or nagkaroon ka pa ng series of audition before that?
Jon: “Ayun na po yung first audition ko tapos dun na rin po ako nakuha ng Star Magic.”
Demai: Sino naman ang mga idol mo sa showbiz at kaninong path ang gusto mong sundan ngayon?
Jon: “Kay Mr. John Lloyd Cruz po.”
Demai: Bakit si John Lloyd? I know, maraming may gusto kay John Lloyd pero ikaw, in particular, ano yung nakikita mo kay John Lloyd na sa tingin mo meron ka din, at kaya mong gawin ang mga nagawa niya?
Jon: “Nakikita ko po ang sarili ko sa kanya."
Nagsigawan ang mga ka-batch ni Jon.
Dugtong niya, “Alam naman po nating lahat na pagdating po sa pag-arte, sobrang galing po ni John Lloyd.
“'Tsaka yung iba po di ba parang hunk hunk lang, pero siya po, hindi na niya iniisip yun.
“Basta gusto ko po talaga siyang gayahin...
“Sa singing naman po, si Gary Valenciano po.”
Crowd: Sample! Sample!
At hindi binigo ni Jon ang mga tao. Kinanta nito ang chorus ng "Tayong Dalawa" na umani ng palakpak.
Sa panayam naman kay Michelle Vito, na napanuod bilang kontrabida sa seryeng Aryana, nabuko ito kung sino ang gusto niyang makapareho.
Rizza: Si Michelle naman, so from Aryana, di ba, yun yung first tv appearance mo, as kontrabida. Feeling mo ba mata-typecast ka as kontrabida sa roles mo in the future? Or gusto mo ring mag-explore ng iba?
Michelle: “Gusto ko din po mag-explore, kasi ever since, lahat binibigay sa aking roles, kahit sa GMA, lahat po yun kontrabida.
“Parang iniisip ko po, mukha po ba akong kontrabida?
“So, gusto ko din pong mag-explore ng ibang roles. Yung ako naman yung mabait, yung inaapi.
“Siguro gusto ko yung ako naman yung sobrang hirap.
“Yung tipong parang drama, sobrang drama.”
Demai: Sino yung gusto mong maging leading man?
Nagkantahan naman ang mga ka-batch niya ng "Nasa Iyo Na Ang Lahat" ni Daniel Padilla bilang hint sa gusto niyang maging leading man.
Michelle: “Nahihiya po ako, my gosh! Si DJ po…”
UP NEXT: Isa sa kanila, gagayahin ang asta ni dating Pangulo Joseph Estrada at ang isa naman, sasabihin kung ano ang nakuha niyang trait sa mga tita.
Click here to watch the first part of PEPtalk with Star Magic 2013!