Sunshine Cruz on rumored pregnancy of Sandra Seifert with Cesar Montano's child: "I don’t think I deserve to know about him and vice versa."

by Bernie V. Franco
Jun 19, 2015
Ayon kay Sunshine Cruz, mas nauna pang nalaman ng mga anak nila ni Cesar Montano na nabuntis diumano ng aktor ang beauty queen na si Sandra Seifert.

Ibinahagi ni Sunshine Cruz na ang mga anak nila ni Cesar Montano ang mas unang nakaalam tungkol sa balitang nabuntis umano ng aktor ang former beauty queen na si Sandra Seifert.

Dalawang taon nang hiwalay sina Sunshine at Cesar, pero patuloy pa rin ang usapang legal sa pagitan ng estranged couple.

Nabalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na usap-usapang nagdadalantao umano si Sandra at si Cesar ang ama, na itinanggi naman ng aktor at ilang malalapit sa kanya.

Read: Beauty queen Sandra Seifert pregnant with Cesar Montano's child?

Cesar Montano, rumored girlfriend Sandra Seifert spotted at Ellen show in U.S.

Sa The PEP List Year 2, na ginanap nitong Huwebes ng gabi, June 18, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino, inilahad ni Sunshine kung paano nalaman ng kanyang mga anak ang tungkol sa isyu.

“Actually, una silang nakaalam, kasi sa Instagram ng anak ko, may nag-post ng kuwento na ganun nga raw, kay Angelina,” simula ng 38-year-old actress.

Continue reading below ↓

Tatlong babae ang mga anak nina Sunshine at Cesar—sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska.

Pagpapatuloy pa ni Sunshine, “Angelina showed it to me and ang reaction lang ng mga anak ko, ‘Mom, we’re gonna have a sibling na naman ulit.’ So, parang ganun.

“Sabi ko, ‘No, no, no.’

"Ako naman, I’m always there to tell them na, 'Kung sino man ‘yan, kung ano man ‘yang lumabas, blessing ‘yan.'

"At wala naman silang kasalanan sa kung ano’ng nangyayari.

"'Kasi hindi naman, itong mga girls na ito [na nali-link kay Cesar], if ever kung totoo, ang naging cause ng separation namin ng tatay ninyo.

"'So, huwag kayong mag-ipon ng sama ng loob o ng tampo.’

"Bilang nanay, tuturuan mo bang magalit ang anak mo sa mundo?"

RIGHT TO KNOW. Deserve ba niyang malaman kay Cesar kung totoo ang balitang buntis si Sandra?

Continue reading below ↓

Sagot ni Sunshine, “No. Wala na.

"I don’t think I deserve to know about him and vice versa."

Naniniwala ba siyang nabuntis nga ni Cesar si Sandra?

“I don’t wanna entertain it.

"Basta ako, ang priority ko, ang focus ko, ang mga kids.

“Whatever ang buhay niya, I think everybody deserves to be happy.

“We’ve been separated for two years.

"Hindi man sa papel, kasi hindi pa naman legal na hiwalay kami, but I believe that everybody deserves to be happy.

"And if he’s happy, good for him."

Tiniyak naman ni Sunshine sa press na adjusted na siya at ang kanyang mga anak na hiwalay na sila ni Cesar.

“Super, super. Okay naman kami and even the kids are very well adjusted.

“Last year nga, transferee silang lahat sa La Salle, pero honor students silang lahat.

Continue reading below ↓

"So, I think, doon pa lang sa kaganapan na ‘yan, adjusted na sila.

"And ako naman, so far so good. Dire-diretso naman ang trabaho natin."

Kamusta naman ang komunikasyon nila ni Cesar pagdating sa mga bata?

“We’re okay, we’re okay. But we’re better,” sabi ni Sunshine.

Hinahanap pa ba ng kanyang mga anak ang kanilang ama?

Sagot niya, “No.”

Natawa naman si Sunshine nang tanungin kung napatawad na ba niya si Cesar.

Sabi niya, “Basta tuluy-tuloy na lang kung ano yung kailangang harapin, harapin na lang namin both.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Sunshine Cruz, mas nauna pang nalaman ng mga anak nila ni Cesar Montano na nabuntis diumano ng aktor ang beauty queen na si Sandra Seifert.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results