Julie Anne San Jose explains why she is still single: “Ganun po talaga kapag may gustong marating sa buhay.”

by Bernie V. Franco
Jun 23, 2015
Bakit nga ba wala pa ring lovelife si Julie Anne San Jose? Sagot ng Kapuso singer-actress, “Wala pong time kasi araw-araw akong may schedule, araw-araw may trabaho, nag-i-school pa ako.”

“I think [oo], pero hindi ko pa mabigyan ng oras. Hindi ko pa priority.”

Ito ang sagot ni Julie Anne San Jose nang matanong kung handa na ba siyang magpaligaw.

Pag-amin ng Kapuso singer-actress, single pa rin siya ngayon dahil ginugugol niya ang kanyang oras sa kaliwa’t kanang trabaho.

“Wala pa po, e. Wala pong time kasi araw-araw akong may schedule, araw-araw may trabaho, nag-i-school pa ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa press conference para sa music video niyang “Tidal Wave,” na ginanap sa GMA Network Center, sa Quezon City, nitong Martes, June 23.

Ang nasabing single ay inayos ni Sidney Brown, a.k.a. Omen, isang American music producer na nag-produce ng mga kanta ng international artists gaya nina Drake, Lil Wayne, at Ludacris.

Laging tinatanong kay Julie Anne ang tungkol sa kanyang lovelife, na kahit 21-anyos na siya ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend.

Sabi niya tungkol dito, “Darating naman po yung oras na 'yon.

Continue reading below ↓

"Basta hindi lang po ngayon, kasi po 'pag nag-commit ako, ang gusto ko po, yun lang.

“Ang hirap kapag may karelasyon tapos busy ka.

"Kaya ko naman pong maghintay."

Dagdag pa ng dalaga tungkol sa hindi pa niya pagkakaroon ng boyfriend, “Kasi ganun po talaga kapag may gustong marating sa buhay, kung gustong maging successful.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Kailanga focused ka lang 'tsaka alam mo yung priorities mo sa buhay."

Nangangahulugan bang suwerte siya sa career dahil wala siyang lovelife?

Tugon ni Julie Anne, “Hindi naman po sa ganun.

"Hindi ko naman po kino-contradict na bawal [mag-boyfriend] kaya maraming opportunities.

“I think it’s a matter of being focused sa trabaho, 'tsaka madami talagang opportunities na dumadating.

"And I’m really, really blessed na maraming blessings na dumadarating sa akin.

“Yung love naman, puwede mo namang ibaling sa pamilya.”

Ibig ba niyang sabihin, distraction para sa kanya ang pag-ibig?

Sagot ni Julie Anne, “Well, love for me can be a distraction, but it’s also an inspiration.

Continue reading below ↓

“Iba-iba yung love, e, puwedeng sa romantic side, puwedeng sa family.”

Hindi rin daw niya kailangan ng boyfriend para maging masaya.

“Okay naman po sa akin kasi masaya naman po ako sa family ko.”

Read Next
Read More Stories About
Julie Anne San Jose
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit nga ba wala pa ring lovelife si Julie Anne San Jose? Sagot ng Kapuso singer-actress, “Wala pong time kasi araw-araw akong may schedule, araw-araw may trabaho, nag-i-school pa ako.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results