Julia Barretto on rivalry with Liza Soberano: “Rivalry? What rivalry?”

by Bernie V. Franco
Jul 20, 2015
Nag-post sina Julia Barretto at Liza Soberano sa Instagram ng larawan nilang magkasama upang patunayan na walang namamagitang “rivalry” sa kanilang dalawa.

“Rivalry? What rivalry?”

Ito ang maiksi ngunit makahulugang caption ni Julia Barretto sa kanyang Instagram post nitong Linggo, July 19, kung saan magkasama sila ni Liza Soberano.

Rivalry? What rivalry?! 👭

A photo posted by JULIA (@juliabarretto) onJul 19, 2015 at 4:07am PDT

Tila kuha ang mga nasabing larawan sa dressing room ng ASAP 20.



Sinundan ito ng isa pang larawan nila ni Liza, kung saan nakalingkis ang braso ni Julia sa leeg ng kanyang fellow Star Magic star.

May halong biro pa ang caption dito ni Julia: “Sorry Quen today Liza was mine.”


Ang tinutukoy na "Quen" ng young actress ay ang ka-loveteam ni Liza na si Enrique Gil.

Sorry Quen today Liza was mine 👅👅

A photo posted by JULIA (@juliabarretto) onJul 19, 2015 at 4:30am PDT

Maging si Liza ay nag-post ng picture nilang dalawa ni Julia, at ang maiksing caption ng dalaga: “Love you @juliabarretto.”

Love you @juliabarretto

A photo posted by Hope Elizabeth (@lizasoberano) onJul 19, 2015 at 4:53am PDT

February ng kasalukuyang taon nang pumutok ang balitang nagkaroon ng alitan ang magkapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto—ina ni Julia—dahil mas pinapaboran daw ni Gretchen si Liza kesa sa pamangkin nitong si Julia.



Sa column ni Ricky Lo sa "FunFare" sa The Philippine Star noong February, sinabi ng beteranong showbiz columnist na may nasagap siyang balita na nagsimula umano ang hidwaan nina Marjorie at Gretchen dahil sa mga papuri ng nakatatandang Barretto kina Liza at Enrique na nagbida noon sa teleseryeng Forevermore.

Continue reading below ↓



Sinabi pa sa column na itinuturing ni Marjorie na “rival” ng kanyang anak na si Julia si Liza.

Continue reading below ↓
Recommended Videos



Read: Gretchen and Marjorie Barretto at war because of Julia-Liza rivalry?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-post sina Julia Barretto at Liza Soberano sa Instagram ng larawan nilang magkasama upang patunayan na walang namamagitang “rivalry” sa kanilang dalawa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results