Beauty Gonzalez leaves Ningning amid pregnancy rumor

by Nerisa Almo
Sep 10, 2015
ALV Talent Management denies pregnancy rumor about their talent, Ningning actress Beauty Gonzalez.

Usap-usapan ngayon ang balitang buntis diumano ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez, kaya mawawala na ito sa pang-umagang teleserye ng ABS-CBN na Ningning.

Ayon sa report ng Bandera kahapon, September 9, maaaring hindi na mapanood si Beauty sa Ningning dahil aalisin na ang kanyang karakter sa show.

Ito ay dahil limang buwang buntis daw ngayon ang aktres sa anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend, na mas matanda sa kanya ng ilang taon.

Sa kabilang banda, may nakausap na source ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kinumpirmang mawawala na ang karakter ni Beauty sa Ningning.

Subalit hindi niya direktang sinagot ang aming tanong kung ito ay dahil sa balitang buntis ang aktres.

Nang tanungin naman ng PEP ang ALV Talent Circuit Inc, ang talent management na humahawak sa career ni Beauty, itinanggi nilang buntis ang dating PBB housemate.

Kaugnay nito, napansin din ng ilang Instagram followers ni Beauty ang pag-post nito ng larawan kung saan naka-swimwear siya, na tila sagot niya sa isyung buntis diumano siya.

Continue reading below ↓

Thinking ðŸÂ¼

A photo posted by Christine Marie Gonzalez (@beauty_gonzalez) onSep 9, 2015 at 12:25am PDT

Read Next
Read More Stories About
Beauty Gonzalez, ABS-CBN
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ALV Talent Management denies pregnancy rumor about their talent, Ningning actress Beauty Gonzalez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results