Alden Richards and Maine Mendoza overwhelmed by more than 20M tweets for #ALDubEBforLOVE

by Erwin Santiago
Sep 26, 2015
Nagpasalamat sina Alden Richards at Maine Mendoza sa AlDub Nation dahil sa mahigit 20 million tweets na naitala ng #ALDubEBforLOVE ngayong araw, September 26.

Muling nagpaabot ng kanilang pasasalamat sina Alden Richards at Maine Mendoza sa AlDub Nation dahil sa overwhelming support na ipinakita ng mga ito sa pamamagitan ng Twitter.

Sa kasalukuyan kasi ay mahigit 20 million tweets na ang naitatala ng hashtag na #ALDubEBforLOVE para sa episode ng Eat Bulaga! ngayong araw, September 26.

Ngayong araw naganap ang pinakahihintay na unang pag-akyat ng ligaw ni Alden kay Yaya Dub (Maine) sa mansyon ni Lola Nidora (Wally Bayola).

Nabura na ng #ALDubEBforLOVE ang 12.1 million tweets na naitala ng #ALDUBMostAwaitedDate noon lamang nakaraang Sabado, September 19.

Inaasahang bago matapos ang araw ay madoble na ng #ALDubEBforLOVE o higit pa ang dating record nito.

Kaya naman taus-pusong nagpasalamat sina Alden at Maine sa kanilang mga tagasuporta sa pamamagitan ng Twitter.

Pahayag ni Alden:

Isang mahabang mensahe naman ang ipinarating ni Maine sa mga tagasuporta nila ni Alden:

As of 6 P.M., nasa 22.6 million tweets na ang #ALDubEBforLOVE.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpasalamat sina Alden Richards at Maine Mendoza sa AlDub Nation dahil sa mahigit 20 million tweets na naitala ng #ALDubEBforLOVE ngayong araw, September 26.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results