Governor Vilma Santos is bestowed the title Queen of the Province Holder of Authority by the Muslim community

by Jojo Gabinete
Sep 28, 2015
Batangas Governor Vilma Santos with Royal Highness Sultan Paramount Faizal Coyogan Benaning Bansao of Royal Houses of Sultanate of Batangas.

Taus-puso na pasasalamat ang ipinaabot ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa mga kapatid nating Muslim dahil sa mataas at natatanging karangalan na ipinagkaloob sa kanya—ang Queen of the Province, Holder of Authority (Baealabi A Gausa Sa Batangas).

Suot ang royal blue Muslim-inspired costume, pinarangalan si Governor Vilma sa Royal Enthronement Ceremony na ginanap noong Sabado, September 26, sa Lima Park Hotel, Malvar/Lipa City Batangas.

Sinaksihan ito ng mahigit sa tatlong libong Muslim na kinabibilangan ng mga lider mula sa Brunei at Malaysia.

Si Royal Highness Sultan Paramount Faizal Coyogan Benaning Bansao ng Royal Houses ng Sultanate of Batangas ang nagputong ng korona at nagbigay ng titulo sa multi-awarded actress at Star for All Seasons.

Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ni Governor Vilma ang Muslim community na walang-sawang sumusuporta sa administrasyon niya, at malaki ang naitulong sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan na kanyang pinamumunuan.

Pahayag ng actress-politician, “Malaking karangalan para sa akin dahil kasama ko ang mga kapatid natin na Muslim para matupad ang maayos na programa sa Batangas mula pa noong mayor ako.

Continue reading below ↓

“Salamat kay Sultan Paramount Faizal Coyogan Cocoy Bansao. Mabuhay po kayo!

"Muli, sa pangalan ng mga Batangueño at sa Mayor ng Lipa, maraming salamat po sa karangalan."

Read Next
Read More Stories About
vilam santos
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Batangas Governor Vilma Santos with Royal Highness Sultan Paramount Faizal Coyogan Benaning Bansao of Royal Houses of Sultanate of Batangas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results