Ai-Ai delas Alas hoping to become the "future Mrs. Sibayan"

by Arniel C. Serato
Oct 16, 2015
Ayon kay Ai-Ai delas Alas, umaasa rin ang kanyang anak na si Sophia na magkaroon siya ng tatawagin niyang "forever." Kaya raw sinasabihan niya ang boyfriend na si Gerald Sibayan na huwag nila itong biguin. Ibinahagi ito ng komedyana sa Instagram post niya kasama ang engaged couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Umaasa si Ai-Ai delas Alas, 50, na ang boyfriend niyang si Gerald Sibayan, 21, na ang kanyang maging forever.

Ito ay base sa Instagram post ni Ai-Ai ngayong Biyernes, October 16.

Sa larawang ipinost ng Comedy Concert Queen, makikitang kasama niya rito si Gerald, at ang co-star niya sa My Bebe Love (#KiligPaMore) na si Vic Sotto, 61, at ang fiancée nitong si Pauleen Luna, 26.

Sabi ni Ai-Ai sa caption: “MR AND MRS VIC SOTTO AND FUTURE MR AND MRS SIBAYAN ( char lang yung part ko) haha...

“Nice pic whooo #raremoments #rarepic #KiligPaMore #MyBebeLove #bossingandpoleng #shootmybebeluv @pauleenluna @gerald_sibayan

Nauna na rito, nag-post din si Pauleen kahapon, October 15, na hindi siya pumasok sa Eat Bulaga! upang samahan si Vic sa shooting nito.

Skipped work today to accompany Vic in his shoot today 👍 #mybebelove

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) onOct 15, 2015 at 1:58am PDT

Sa comment section, may follower si Ai-Ai na nagsasabing i-claim na niyang magkatotoo na ang kanyang hiling.

Sabi ni @dragonelle0416, "@msaiaidelasalas Bakit char Ms. Ai? Malay mo naman... sya na ang itinakda ng panahon...”

Continue reading below ↓

Tugon naman ni Ai-Ai: “@dragonelle0416 oo nga palitan ko i-claim nalang hahaha.”

Nag-comment din ang anak ni Ai-Ai na si Sophia delas Alas sa post na ito.

Sabi niya: “Nakooooooooo echos lang yan ma ha.”

Na kaagad ding sinagot ni Ai-Ai: “@sophdelasalas araw araw sinasabihan ko si taba TAYO NA LANG PAG ASA NI BABY GIRL SA FOREVER WAG NATEN SYA BIGUIN NAKOOOOO.”

“Baby Girl” ang tawag ni Ai-Ai sa anak na si Sophia.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Ai-Ai delas Alas, umaasa rin ang kanyang anak na si Sophia na magkaroon siya ng tatawagin niyang "forever." Kaya raw sinasabihan niya ang boyfriend na si Gerald Sibayan na huwag nila itong biguin. Ibinahagi ito ng komedyana sa Instagram post niya kasama ang engaged couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results