Alden Richards on Maine Mendoza: "Totoo siyang tao. Hindi fake. Hindi siya showbiz."

by Rose Garcia
Oct 30, 2015
Alden Richards on huge success of "Tamang Panahon" concert: "Parang, 'Totoo ba ‘to? Kami ba talaga ni Maine ang pinuntahan ng mga tao dito? Pinuntahan ba talaga kami ng mga tao for Eat Bulaga?' So, hanggang ngayon, hindi pa rin mag-sink in sa akin yung nangyari sa Arena. Ang hirap-hirap i-take in sa sobrang laki."

Ibinahagi ni Alden Richards sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naramdaman niya sa malaking tagumpay ng “Tamang Panahon” concert ng Eat Bulaga! sa Philippine Arena noong Sabado, October 24.

Noong araw ring iyon naganap ang pagtatagpo at paglalapit nina Alden at Maine Mendoza, o mas kilala sa kanilang uniname na AlDub.

Napuno ang 55,000-seater na Philippine Arena.

Ayon kay Alden, “Kasi po, pagpasok ko po ng Arena, nakatalikod po ako, e…

“Kasi, kung nakita niyo po, galing po ako sa entrance, so naririnig ko lang po ang sigawan ng tao.

“The moment po na humarap na ako, puno yung first, second chairs ng Arena...

"Parang, 'Totoo ba ‘to? Kami ba talaga ni Maine ang pinuntahan ng mga tao dito? Pinuntahan ba talaga kami ng mga tao for Eat Bulaga?'

“So, hanggang ngayon, hindi pa rin mag-sink in sa akin yung nangyari sa Arena. Ang hirap-hirap i-take in sa sobrang laki.

Continue reading below ↓

“Ipinagpapasalamat ko na lang po talaga sa Diyos ang lahat ng dumarating.”

GETTING TO KNOW MAINE. Noong Sabado rin ay nagkaroon ng pagkakataong magkita, magkayap, at magkausap sina Alden at Maine.

Nasundan ito ng pictorial nila ng My Bebe Love sa studio ni Edward dela Cuesta noong Lunes, October 26.

At kahapon, October 29, ay muli silang nagkita para sa 15th weeksary nila sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Kumusta na sila ni Maine ngayon?

Nakangiting tugon ni Alden, “Nagkakausap na po kami.

“And I’m starting to get to know her more and, I think, it’s gonna be…

“Masarap siyang katrabaho. Totoo siyang tao, e. Hindi fake. Hindi siya showbiz.

“Siguro, that’s what’s lacking in our industry now, yung mga tao na hindi masyadong showbiz.

“So, si Maine, hindi siya ganun.

“Kaya I always look forward to working with her.”

Continue reading below ↓

Kuwento pa niya, “Tomorrow [ngayong Biyernes, October 30] po, magsu-shoot na kami ng movie, first day namin together.

“Tingnan natin kung paano magwu-work ang scene. Makulit din po kasi.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on huge success of "Tamang Panahon" concert: "Parang, 'Totoo ba ‘to? Kami ba talaga ni Maine ang pinuntahan ng mga tao dito? Pinuntahan ba talaga kami ng mga tao for Eat Bulaga?' So, hanggang ngayon, hindi pa rin mag-sink in sa akin yung nangyari sa Arena. Ang hirap-hirap i-take in sa sobrang laki."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results