Eat Bulaga! takes a swipe at Maine Mendoza's hackers on Twitter

by Erwin Santiago
Nov 3, 2015
Lola Nidora's message to the hackers of Maine Mendoza's Twitter account: "Yung mga Twitter niyo, di ba, kasi parang bahay mo na rin 'yan. Andoon ang saloobin mo, yung saya, yung lungkot, yun iniisip. Huwag na huwag namang tini-trespassing. Hindi maganda 'yan. Irespeto ang pribadong gamit, ari-arian, at pansariling bagay na pinapahalagahan."

Ginamit ng Eat Bulaga! ang Kalyeserye upang magpahatid ng mensahe kaugnay ng pangha-hack sa Twitter account ng isa sa mainstays ng show na si Maine Mendoza.

Ngayong Martes ng madaling-araw, November 3, ay pinasok ng isang grupo ng hackers, na nagpakilalang Anonymous Philippines, ang Twitter account ni Maine (@mainedcm).

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 2.4 million followers sa Twitter si Maine.

Read: Maine Mendoza's Twitter account hacked

Sa sinusubaybayang Kalyeserye ng Eat Bulaga! ay nagbigay ng mensahe ang karakter ni Wally Bayola na si Lola Nidora kaugnay ng pagprotekta sa kanilang mga ari-arian laban sa "riding-in-tandem."

Malinaw na ang isinasaad ng mensahe na ito ay ang tungkol sa panghihimasok sa privacy ng isang tao.

LOLA NIDORA'S MESSAGE. Sa episode ng Kalyeserye kanina ay nakasimangot na pumasok si Maine.

Kahit na anong pang-aaliw sa kanya ni Alden, kabilang na ang panggagaya nito kay Lola Nidora, ay hindi pa rin siya ngumingiti.

Continue reading below ↓

Kaya naman nainis si Lola Nidora kay Maine at sinabing dapat ay ma-appreciate niya ang effort na ginagawa ni Alden.

At kalaunan ay ngumiti na ulit si Maine.

Nagpaalam naman sandali si Lola Nidora upang asikasuhindaw ang kanilang lupain dahil may mga umaaligid na "riding-in-tandem."

Ang "lupain" ay tumutukoy sa Twitter o social media accounts at ang "riding-in-tandem" naman ay tumutukoy sa hackers.

Continue reading below ↓

Pahayag pa ni Lola Nidora, "Tandaan ninyo, pribado ang ating lupain.
Ang sinumang manghimasok ay makakatikim sa akin.

"Mali, mali ang mga gawain ganyan.

"Dapat, hindi natin hinahayaan ang mga gawing ganyan.

"Trespassing 'yan!

"Tandaan nila, ang anumang personal na ari-arian ay kailangan protektahan."

At dito ay inihalintulad ni Lola Nidora ang mga ari-arian sa social media accounts, gaya ng kay Maine.

Continue reading below ↓

"Yung mga Twitter niyo, di ba, kasi parang bahay mo na rin 'yan. Andoon ang saloobin mo, yung saya, yung lungkot, yun iniisip.

"Huwag na huwag namang tini-trespassing. Hindi maganda 'yan.

"Irespeto ang pribadong gamit, ari-arian, at pansariling bagay na pinapahalagahan.

"Ngayon, kailangan maging responsable sa gagawin mong aksiyon.

"Pakatandaan na importante ang may respeto sa iyong kapwa, dahil ang bawat kabutihan na gagawin mo ay maganda rin ang balik sa 'yo.

"Pero kapag pangit ang gawain mo, doble-doble-dobleng pangit din ang babalik sa 'yo.

"Parang bahay lang 'yan, pag humingi ka ng permiso, papapasukin ka naman, you're welcome.

"Pero kapag walang permiso, ay, hindi na maganda 'yon.

"Pare-pareho lang naman tayong may karapatang pangtao."

Sa huling bahagi ay may mensahe ring ipinarating si Alden tungkol sa pagkaka-hack ng Twitter account ni Maine:

"Maine, kahit na-hack ang account mo, ang puso ko hindi maha-hack dahil ikaw ang may hawak ng password nito."

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay bumalik na sa normal ang Twitter account ni Maine at humingi pa ng paumanhin ang mga nang-hack dito.

Read: Hackers apologize for breaking into Maine Mendoza's Twitter account

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lola Nidora's message to the hackers of Maine Mendoza's Twitter account: "Yung mga Twitter niyo, di ba, kasi parang bahay mo na rin 'yan. Andoon ang saloobin mo, yung saya, yung lungkot, yun iniisip. Huwag na huwag namang tini-trespassing. Hindi maganda 'yan. Irespeto ang pribadong gamit, ari-arian, at pansariling bagay na pinapahalagahan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results