Andi Eigenmann says Jake Ejercito is the "father" of her daughter

by Rose Garcia
Nov 13, 2015
Andi Eigenmann on Jake Ejercito: “He will always have a special part in my life. Yun nga, Albie [Casiño] and I, when we were together, we were so young. Puppy love, ganun. Technically, si Jake talaga ang first and greatest love ko, and you can’t just forget that easily.”

Naguguluhan pa rin ang marami kung ano na ba ang totoong estado ng on and off relationship nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

Kumusta na nga ba sila?

Sabi ni Andi, “Yun, time and again, sinasabi ko, don’t become a father by biology.

“And ever since, it has always been Jake.

“And now, we’ve broken up for more than a year, and I don’t think we’re gonna get back together.

“As in, we’re just friends, pero mahal niya ang anak ko.

“Mahal niya ang anak ko na parang anak niya.

“So, bakit hindi ako matutuwa dun?”

Isa siguro ito sa dahilan kung bakit hindi nawawala ang espekulasyong baka si Jake talaga ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Pahayag ng aktres tungkol dito, “Yes, para sa akin, anak niya si Ellie.

“I mean, kasi siya ang nandiyan ever since the beginning, o bakit pa natin paikot-ikot?

“Mapapanood na niya ‘to balang-araw.”

Continue reading below ↓

Nakikita niya talagang nagiging father figure si Jake kay Ellie?

“Yes, they are super close and why will I stop him from that?”

Pero wala na ba talaga silang relasyon ni Jake, maliban sa pagiging magkaibigan?

Diin ni Andi, “Wala na po talaga.

“He will always have a special part in my life.

“Yun nga, Albie [Casiño] and I, when we were together, we were so young. Puppy love, ganun.

“Technically, si Jake talaga ang first and greatest love ko, and you can’t just forget that easily.”

Ano naman ang masasabi ni Andi sa umaasang sila pa rin ang magkakatuluyan sa bandang huli?

Tugon niya, “Well, that’s what everybody says and that’s what I’m holding on to for so long.

“But now, parang hindi naman puwedeng ako lang.

“Hindi rin naman puwedeng maghintay ka lang.

“Kung gusto mo, you have to do something.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann on Jake Ejercito: “He will always have a special part in my life. Yun nga, Albie [Casiño] and I, when we were together, we were so young. Puppy love, ganun. Technically, si Jake talaga ang first and greatest love ko, and you can’t just forget that easily.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results