Rocco Nacino clears allegations about rumored breakup with Lovi Poe; remains mum on real status of their relationship

by Nikko Tuazon
Nov 22, 2015
Rocco Nacino clears allegations about rumored breakup with Lovi Poe. In his recent Instagram post, he stressed that there is no third party on his part, and that he and Lovi don't share a joint account. However, he refused to give an update about the real status of their relationship.

Nagsalita na ang Kapuso actor na si Rocco Nacino tungkol sa mga dahilan umano ng hiwalayan nila ng longtime girlfriend na si Lovi Poe.

Ilang linggo na rin ang nakalilipas mula nang lumabas ang isyung hiwalay na ang dalawa.

Ilan sa kanilang fans ang nakapansing hindi na nagpu-post ng litrato ng isa't isa sina Rocco at Lovi sa kani-kanilang Instagram accounts.

Isa si Heart Evangelista, malapit na kaibigan ni Lovi, sa mga unang hiningan ng confirmation tungkol sa nababalitang breakup.

Ngunit sa panayam kay Heart sa launch ng kanyang librong This Is Me, Love Marie noong November 8, ang naisagot lang nito ay: "May mga ganun ba? Ayoko makialam.”

Read: Heart Evangelista on rumored breakup of Lovi Poe and Rocco Nacino: "May mga ganun ba? Ayoko makialam.”

Dalawang araw matapos ang panayam na ito, nakitang magkasama sina Rocco at Lovi sa Bench Terno Ball nitong November 10, 2015 sa The Peninsula Manila hotel sa Makati City.

Continue reading below ↓

Ngunit ang ipinagtaka ng kanilang fans, hindi rin naglabas ng litrato sa kanilang social media accounts sina Rocco at Lovi na magkasama sila mula sa event na ito.

Ayon sa column ng showbiz writer na si Veronica Samio para sa Pilipino Star Ngayon, ang ilan sa mga itinuturong diumano'y dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang third party sa parte ni Rocco.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Isa pang itinuturong dahilan ay ang paglustay raw ni Rocco ng pera mula sa joint account nila ni Lovi.

Sa kanyang Instagram account, mariing pinabulaanan ng aktor ang mga nasabing alegasyonn at sinabing walang third party at wala rin silang joint account ni Lovi.

Sa kanyang post, saad ni Rocco: "Been receiving news about me stealing money from a joint account and having a third party involved in our relationship. No joint account. No third party. I have the utmost respect for Lovi."

Hindi kinumpirma ni Rocco ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Lovi, ngunit sa dulo ng kanyang mensahe, humingi siya ng privacy para sa kanilang dalawa.

Continue reading below ↓

A photo posted by Rocco Nacino (@nacinorocco) onNov 22, 2015 at 4:08am PST

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino clears allegations about rumored breakup with Lovi Poe. In his recent Instagram post, he stressed that there is no third party on his part, and that he and Lovi don't share a joint account. However, he refused to give an update about the real status of their relationship.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results