Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Marian Rivera on being a first-time mom: "Thank you, Lord, binigyan Niyo ako ng napakasayang biyaya na walang kapantay talaga."

by Rose Garcia
Nov 29, 2015
Marian Rivera on feeling of being a first-time mom: “Ay, naku, alam mo yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag! Kapag tinititigan ko yung anak ko na, ‘Wow, thank you, Lord, Binigyan Niyo ako ng napakasayang biyaya na walang kapantay talaga.’”

Ilang araw pagkatapos niyang manganak ay nagpaunlak ng phone-patch interview sa unang pagkakataon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kinabibilangan niyang weekly comedy-musical show na Sunday Pinasaya ngayong araw, November 29.

Kinumusta nina Ai-Ai delas Alas at Barbie Forteza si Marian pagkatapos niyang isilang ang panganay nilang anak ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia noong November 23.

Read: Marian Rivera and Dingdong Dantes welcome their first child, Maria Letizia

Ano ang pakiramdam ngayong isa na siyang ganap na ina?

Saad ni Marian, “Ay, naku, alam mo yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag!

“Kapag tinititigan ko yung anak ko na, ‘Wow, thank you, Lord, Binigyan Niyo ako ng napakasayang biyaya na walang kapantay talaga.’”

Isa si Ai-Ai sa mga kaibigan ni Marian na pinadalhan niya ng larawan ni Maria Letizia.

Kuwento ng Kapuso Comedy Queen, “Grabe, nang makita ko siya sa picture, ang cute-cute niya!

“Grabe kambal [Marian], ha, parang nananalamin lang ako, ha!”

Continue reading below ↓

Tawanan naman ang lahat sa biro ni Ai-Ai.

Pero ayon kay Ai-Ai, hati ang nakuhang features ni Maria Letizia sa mga magulang, pero mas kamukha ito ni Marian, lalo na ang ilong nito.

Natatawang sabi naman ni Marian, “Okey lang kahit si Dong, cute rin naman ang asawa ko kaya okey lang yun.”

Wish daw ni Ai-Ai na i-enjoy ni Marian ang pagiging mommy nito at sana raw ay makabalik na rin sa Sunday Pinasaya.

Nagpasalamat naman si Marian sa lahat ng nagdasal sa kaligtasan nila ng anak.

“Gusto ko rin kunin ang pagkakataon na magpasalamat sa lahat ng nagdasal para sa aming dalawa ng anak ko na maging safe kaming dalawa.

“Thank you kasi naging malaking tulong talaga na nakaya ko ang pagli-labor, dyusko Lord!” natawa niyang sabi.

Labing-walong oras daw nag-labor si Marian bago naipanganak nang normal ang anak.

“Sobra, sabi ko nga, kahit anong hirap, kapag nakita mo na, priceless talaga,” sabi ni Marian.

Continue reading below ↓

Nang tanungin naman kung kailan siya babalik sa Sunday Pinasaya, pabirong sagot ni Marian: “Ay, umiiyak na ang anak ko, sandali, ha.”

Kaya sabi ni Ai-Ai, “Ayaw pang bumalik, kaya yun ang sagot niya.”

Sabi naman ni Marian, “Papanoorin ko na lang kayo every Sunday.”

Pero dugtong din niya, “Pero oo naman, babalik din si Judge MD, abangan nila ‘yan… hindi ko nga lang alam kung kailan, ha.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on feeling of being a first-time mom: “Ay, naku, alam mo yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag! Kapag tinititigan ko yung anak ko na, ‘Wow, thank you, Lord, Binigyan Niyo ako ng napakasayang biyaya na walang kapantay talaga.’”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results