MJ Marfori clears name regarding John Lloyd Cruz-Bea Alonzo rumor: "Na-misquote ako."

by Jojo Gabinete
Jan 16, 2016
TV5 entertainment news reporter MJ Marfori claims that Mo Twister misquoted her in his January 13 Twitter post, alluding to her as the source of the rumor linking John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. She says, "Na-misquote ako and I cited sources na previous days, 'yon ang kumakalat sa mga pahayagan and showbiz beat."

Puspusan na ang paghahanda ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori para sa nalalapit na church wedding nila ng GMA-7 news reporter na si Oscar Oida sa January 30, sa San Agustin Church, Intramuros, Manila.

Subalit kamakailan lang ay nadawit ang pangalan ni MJ sa balita tungkol sa rumored relationship nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Si MJ ang itinuturong source ng balita na mas pinili diumano ni John Lloyd na pumunta sa Hong Kong kasama si Bea, kaysa samahan sa New York ang kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang matagumpay na tambalan nina Bea at John Lloyd ay onscreen lamang.

Bago nagtapos ang 2015, naging box-office success ang pelikulang A Second Chance nina John Lloyd at Bea.

Nang makausap ng PEP si Marfori, sinabi nito na misquoted siya ni DJ Mo Twister sa Twitter post nito noong January 13.

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni MJ, "Na-misquote ako dahil sa post ni Mo sa Twitter.

"Tinanong niya ako kung anong kumakalat sa showbiz beat.

"Ang sabi ko, 'From the grapevine, ALLEGEDLY, pinag-uusapan na sa mga pahayagan na wala na nga raw sina Angelica and John Lloyd, and kumakalat na nagkaka-develop-an na sila ni Bea.'

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Nagulat na lang ako na bigla siyang nag-tweet ng ganoon.

"Na-misquote ako and I cited sources na previous days, yun ang kumakalat sa mga pahayagan and showbiz beat."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV5 entertainment news reporter MJ Marfori claims that Mo Twister misquoted her in his January 13 Twitter post, alluding to her as the source of the rumor linking John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. She says, "Na-misquote ako and I cited sources na previous days, 'yon ang kumakalat sa mga pahayagan and showbiz beat."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results