Nadine Lustre on playing Darna: "Gusto ko, but I am not sure if I am ready."

by Rizza Benedicto
Jan 19, 2016
At the launch of Nadine Lustre and James Reid's shoe brand endorsement, the Kapamilya actress finally put an end to the speculations that she will play Darna. She said, "Gusto ko, but I am not sure if I am ready."

“Gusto ko, but I am not sure if I am ready.”

Ito ang naging sagot ng On The Wings of Love star na si Nadine Lustre nang tanungin kung handa ba siyang tanggapin ang role bilang Darna kung sakaling alukin siya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin matapus-tapos ang haka-haka kung sino ang susunod na gaganap bilang Darna.

Isa ang pangalan ni Nadine sa sinasabing pinagpipilian na gaganap bilang Pinay superhero sa muling pagsasapelikula nito; kabilang sina Jessy Mendiola, Liza Soberano, Denise Laurel, at ang original choice na si Angel Locsin.

Inamin ni Nadine na natutuwa siyang mapasama sa mga pinagpipilian.

“Nakakatuwa! I am really, really thankful sa kanilang lahat.

"Kasi, para ma-imagine nila ako as Darna, it's such a huge honor, kasi Darna, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa launch ng bagong endorsement nila ni James Reid sa SM Makati ngayong araw, January 19.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa Kapamilya actress, kung bibigyan siya ng pagkakataong gumanap bilang Darna ay paghahandaan niya ito.

“Gusto ko, but I am not sure if I am ready.

“Personally, hindi pa. Sobrang daming preparations na kailangan.

“Kung… kung, I will prepare for it talaga.

“But now, with my status now, I am not yet ready for it.”

Pero willing daw siyang mag-audition kung mabibigyan ng pagkakataon.

“I would!” bulalas niya.

Biglang hirit naman ni James, na katabi ni Nadine habang kinakausap ng PEP: “Do it!”

Ipinaliwanag ni James kung bakit si Nadine ang karapat-dapat maging next Darna.

“Number one, she’s Pinay. Two, she has the physique, and she can demonstrate power because that’s what Darna is all about.”

Bago matapos ang interview ay hinamon ng PEP si Nadine kung puwede siyang magpakita ng isang pose ni Darna at sumigaw ng “Darna!”

Continue reading below ↓

Natawa lang ang aktres at sinabing, “Ayoko talaga, kasi feeling ko, pag ginawa ko yun, mag-e-expect yung mga tao lalo.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
At the launch of Nadine Lustre and James Reid's shoe brand endorsement, the Kapamilya actress finally put an end to the speculations that she will play Darna. She said, "Gusto ko, but I am not sure if I am ready."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results