Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Vilma Santos to fans of Luis Manzano and Angel Locsin: "Let's give them space."

by Nerisa Almo
Feb 2, 2016
"Dinadaanan lang ang mga ganyan sa relasyon. Hindi naman na sila mga bata. Let's give them space," says Vilma Santos about son Luis Manzano and his girlfriend Angel Locsin.

Nakiusap ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa fans na hayaan na muna ang anak niyang si Luis Manzano at ang girlfriend nitong si Angel Locsin.

“Let's give them space,” pahayag ni Vilma sa panayam sa kanya ng Bandila kagabi, February 1.

Matatandaang parehong umamin sina Luis at Angel na kasalukuyang “may pinagdadaanan” sila sa kanilang relasyon.

Gayunman, sabi ni Angel, umaasa siyang maaayos pa nila ito ni Luis.

Read: Angel Locsin on reported breakup with Luis Manzano: "Hindi pa po."

Tila ganito rin ang pananaw ni Vilma.

Pahayag ng actress-politician, “Dinadaanan lang ang mga ganyan sa relasyon.

Hindi naman na sila mga bata. Let's give them space.

"Natural lang 'yan, nangyayari naman sa ating lahat 'yan.”

Sa ngayon, nananatiling tikom na ang bibig nina Luis at Angel tungkol sa isyu.

Sa kabila ng problemang kinahaharap nila ngayon, sinabi ni Angel na: “Hindi pa rin naman nawawala. Kahit naman may problema kami, nandiyan pa rin naman ang pagmamahal.”

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dinadaanan lang ang mga ganyan sa relasyon. Hindi naman na sila mga bata. Let's give them space," says Vilma Santos about son Luis Manzano and his girlfriend Angel Locsin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results