Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Enrique Gil on having a relationship with Liza Soberano: "Hindi pa puwede."

by Rachelle Siazon
Feb 4, 2016
"We're in a place na we're so happy. Label doesn't really mean anything as long as you're happy," says Enrique Gil when asked about the real score between him and Liza Soberano.  

Nilinaw ni Enrique Gil na hindi pa sila magkarelasyon ng ka-love team niyang si Liza Soberano.

Ito ay sa kabila ng kaalamang si Enrique ang pinakamalapit na lalaki sa buhay ni Liza ngayon.

Sa grand presscon ng bagong primetime series na Dolce Amore kagabi, February 3, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enrique kung tinanong na niya si Liza kung maaari na niya itong maging nobya.

Matatandaang minsan nang inihayag ni Enrique na handa siyang maghintay kay Liza hanggang sa makatungtong ng 18 taong gulang ang dalaga bago niya ito pormal na ligawan.

Ipinagdiwang ni Liza ang kanyang 18th birthday noong January 4.

Pabirong pahayag ni Enrique ukol dito, “Tuwing nagbi-birthday, nagre-rewind, e. Nagba-back track.”

Tanong ulit ng PEP, ano na nga ba ang real score sa pagitan nila?

Sagot ni Enrique, “It’s still the same. Well, not like before. It develops more.

“At that point, yung pagiging ano [boyfriend-girlfriend], hindi pa puwede sa ngayon.

Continue reading below ↓

“You know, there are other priorities. You have to prioritize.

“Pero we’re in a place na we’re so happy.”

Dugtong pa ng binata, “Label doesn’t really mean anything as long as you’re happy.

“So, as long as you’re happy, nothing really matters.”

Sa parte ni Liza, consistent siya sa pagsasabing hindi pa siya handang pumasok sa relasyon ngayon.

Sabi ng Kapamilya actress, “Masaya po na lagi kaming magkatrabaho.

“It’s really good being with him because the foundation of our friendship, sobrang solid.

“Tapos, I’m just happy with what’s going on right now.”

Sa PEPtalk noong September 2015, inamin ni Liza na mayroon siyang romantic feelings para kay Enrique.

Ngunit pinayuhan daw siya ng kanyang ama na huwag magmadaling pumasok sa relasyon.

Nakangiting pag-amin ni Liza, “Well, nag-usap sila [Enrique] ni Tito Ogie [Diaz, her co-manager], nag-usap sila ng daddy ko.

“Parang maghintay lang daw, sabi nila.”

Continue reading below ↓
Sa ngayon, naka-focus sina Enrique at Liza sa teleseryeng Dolce Amore, na magsisimulang umere sa Kapamilya primetime block sa February 15.
Read Next
Read More Stories About
Enrique Gil Dolce Amore
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We're in a place na we're so happy. Label doesn't really mean anything as long as you're happy," says Enrique Gil when asked about the real score between him and Liza Soberano.  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results