Sunshine Cruz reacts to rumor that Cesar Montano has two newborn babies

by Rachelle Siazon
Feb 5, 2016
"Talaga? E di wow!" Ito ang reaksiyon ni Sunshine Cruz tungkol sa balitang nanganak na diumano ang dalawang babaeng nauugnay sa kanyang estranged husband na si Cesar Montano.

“Talaga? E, di wow!”

Ito ang reaksiyon ni Sunshine Cruz, 38, tungkol sa balitang nanganak na diumano ang dalawang babaeng nabuntis ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano, 53.

Nagtatakang sagot ni Sunshine sa tanong na nanganak na ang dalawang hindi pinangalanang babae: “Meron na ba? Ilan na ba? Talaga? Naku!”

Nakapanayam ng ilang entertainment reporters si Sunshine pagkatapos ng grand presscon ng teleseryeng Dolce Amore noong Miyerkules, February 3.

Sinubukang iwasan ng Kapamilya actress ang tanong ng press tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang estranged husband.

Ngunit sa huli ay inamin ni Sunshine na matagal nang nakarating sa kanilang tatlong anak na babae ang tungkol sa usap-usapang mayroong nabuntis si Cesar na ibang babae.

Aniya, “Hindi, kasi noong noon pa, may nag-message sa kanila na someone telling them that someone is pregnant, parang ganun.

“It was them who told me, ‘Mom, someone messaged me. You’re on Instagram.’”

NOTHING AGAINST CESAR’S ALLEGED LOVE CHILDREN. Gayunman, iginiit ni Sunshine na wala siya sa posisyon para husgahan o pakialaman ang buhay ng estranged husband.

Continue reading below ↓

Patuloy na saad ng aktres, “Pero whatever it is, sabi ko nga, everybody deserves to be happy.

“He deserves to be happy.

“He deserves to be in love. Ganun din naman ako.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“So, nagkataon lang siguro—siguro—kung totoo ‘yan, karapatan niya yun bilang tao.”

Tinanong din si Sunshine kung tanggap ng mga anak niya kung sakaling totoong mayroon silang bagong mga kapatid sa ama.

Kumpiyansang sagot ni Sunshine, “Wala silang problema.

“Kung sakaling totoo ‘yan o hindi, wala namang kasalanan ang sanggol diyan.

“Of course, they will accept whoever ‘yan—kung totoo ‘yan—with open arms.”

Noong 2015, napabalitang ang bagong karelasyon diumano ni Cesar ay ang dating beauty queen na si Sandra Seifert.

Kasunod nito ay ang espekulasyong nabuntis diumano ni Cesar si Sandra. 

Agad naman itong pinabulaanan ni Cesar sa isang panayam noong Mayo at sinabing, "Maybe the rumor-monger is the one who is pregnant."

Read: Cesar Montano on Sandra Seifert’s rumored pregnancy: “Maybe the rumor-monger is the one who’s pregnant.”

Continue reading below ↓

Kasabay nito ay mayroon ding lumabas na balita sa ibang pahayagan at online sites na may isa pang babaeng nabuntis diumano si Cesar.

Ngunit pinabulaanan din ito ng kampo ni Cesar.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Talaga? E di wow!" Ito ang reaksiyon ni Sunshine Cruz tungkol sa balitang nanganak na diumano ang dalawang babaeng nauugnay sa kanyang estranged husband na si Cesar Montano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results