Cebu RTC orders arrest of Neri Naig, ex-Star Magic road manager over libel case

by Nerisa Almo
Feb 11, 2016
The Cebu City RTC ordered the arrest of actress Neri Naig and ex-Star Magic road manager Danilyn Nunga for falsely accusing two people on Instagram.

Naglabas ng warrant of arrest ngayong araw, February 11, ang Regional Trial Court (RTC) ng Cebu City laban sa aktres na si Neri Naig at dating Star Magic road manager na si Danilyn Nunga kaugnay ng kasong libel na kinahaharap nila.

Ang arrest warrant ay pirmado ni Cebu City RTC Judge Ricky Jones Macabaya, ayon sa ulat ng Sun Star Cebu.

Kaugnay ito ng dating Instagram post ni Danilyn noong April 30, kung saan makikita ang larawan nina Clarence Taguiam at Donna Marie Go, na sinabihan ng akusado na "bogus online seller" matapos bumili ng Go Pro Hero 3.

Ang naturang post ay ni-repost ni Neri sa kanyang Instagram account.

Sina Clarence at Donna Marie ay naghain ng reklamong libel laban kina Neri at Danilyn sa ilalim ng R.A. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sila ay pormal na sinampahan ng kaso ng Cebu City Prosecutor's Office noong October 2015.

Continue reading below ↓

Ang mga naturang Instagram post ay nabura na sa personal accounts nina Neri at Danilyn.

Kaugnay nito, hiniling ni Danilyn na ipagpaliban muna ang court proceedings at muling paimbestigahan ang reklamong inihain laban sa kanya at sa misis ni Chito Miranda.

Ngunit hindi ito kinatigan ni Judge Macabaya dahil, ayon sa kanyang two-page order: “The grounds asserted by Nunga that she was deprived of due process for they were not afforded a preliminary investigation or not given the opportunity to submit a counter affidavit deserves a scant consideration.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Read More Stories About
Neri Naig, Star Magic
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Cebu City RTC ordered the arrest of actress Neri Naig and ex-Star Magic road manager Danilyn Nunga for falsely accusing two people on Instagram.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results