Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Sen. Grace Poe defends son over issue on expensive shoes

by Bernie V. Franco
Feb 13, 2016
Sen. Grace Poe defends son Brian Poe-Llamanzares over post where he is seen wearing shoes that allegedly costs almost a million pesos.

Nadadawit ngayon sa kontrobersiya ang anak ni presidential candidate Senator Grace Poe na si Brian Poe-Llamanzares.

Ito'y matapos na kumalat sa social media ang Instagram photo ni Brian na nagpapakitang suot ang isang mamahaling sapatos na diumano'y nagkakahalaga ng halos isang milyon.

Umingay ang isyung ito dahil iniugnay sa pahayag noon ni Sen. Grace na hindi sila mayaman.

Ang nasabing sapatos ni Brian ay 2011 limited edition ng isang sikat na brand ng sneakers at nagkakahalaga umano ng US$19,999.99 o tinatayang humigit-kumulang P900,000.

Samantala, ipinagtanggol naman ng senadora ang kanyang anak tungkol sa kontrobersiya.

Sa press conference na ginanap sa Dagupan City, Pangasinan, nitong Biyernes, February 12, inamin ni Sen. Grace na alam niya ang tungkol sa naglalabasang photos ng anak sa social media.

Pero sinabi ng senadora na may kapasidad ang kanyang anak na bumili ng sapatos mula sa kanyang pinaghirapang ipon.

"You will recall that my son has been holding a job with a television news network, and just took a leave in view of the election season in order to protect the network's objectivity," pahayag ni Poe, sa ulat ng Interaksyon.com.

Continue reading below ↓

Nagtrabaho bilang reporter si Brian sa isang news TV network sa Pilipinas subalit tumigil ito noong August 2015 upang hindi mabahiran ng pulitika ang trabaho at para matulungan ang ina sa pangangampanya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dugtong pa ng presidential candidate, pinag-ipunan ng kanyang anak ang biniling sapatos at karapatan niya ito.

"He saved up for that a long time. Even if assuming I was not agreeable to it, it made him happy. He has a right to it. Why should we stand in the way?" ani Sen. Grace.

Nakiusap din ang senadora na huwag idawit ang kanyang anak sa pamumulitika dahil wala naman itong ginagawang masama at isa itong private citizen.

Read Next
Read More Stories About
Grace Poe
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sen. Grace Poe defends son Brian Poe-Llamanzares over post where he is seen wearing shoes that allegedly costs almost a million pesos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results