Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

John Lloyd Cruz finally confirms split with Angelica Panganiban

by Arniel C. Serato
Feb 18, 2016
Matapos ang halos isang buwan simula nang lumabas ang balitang hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, kinumpirma na sa wakas ng aktor ang tungkol dito. Pero nananatiling tahimik ang kampo ni Angelica sa hiwalayan nila ni John Lloyd.

Umamin na sa wakas ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz na hiwalay na sila ng aktres na si Angelica Panganiban.

Ito ay base ulat ni Salve Asis sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, na nailathala ngayong Huwebes, February 18.

Ayon sa entertainment editor, narinig niya ang kumpirmasyon mula sa batikang komentarista at TV Patrol anchor na si Ted Failon sa programa nila ni Noli de Castro sa DZMM.

Sa isang pagtitipon sa ABS-CBN, kung saan nakasama ni Ted sina John Lloyd at Piolo Pascual, hindi raw napigilan ng batikang radio commentator ang sarili na usisain sa Home Sweetie Home actor ang tungkol sa kanila ni Angelica.

Umamin daw si John Lloyd na tinuldukan na nga nila ni Angelica ang kanilang relasyon, pero nananatili naman daw silang magkaibigan.

Nitong nakaraang Enero, lumabas ang balitang tinuldukan na nina John Lloyd at Angelica ang kanilang lagpas sa tatlong taong relasyon.

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban called it quits, says source

Continue reading below ↓

Dahil sa hiwalayan, lalong lumakas ang ugong na may namamagitan na kay John Lloyd at sa perennial onscreen partner niyang si Bea Alonzo, na kabi-break din lang sa aktor na si Zanjoe Marudo.

Read: John Lloyd Cruz-Bea Alonzo love affair: from reel to real?

Ngunit itinanggi ito ni John Lloyd sa isang panayam nito lamang February 16.

Read: John Lloyd Cruz speaks up on alleged relationship with Bea Alonzo

Patuloy namang nananahimik ang kampo nina Bea at Angelica tungkol dito.
Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Bea
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang halos isang buwan simula nang lumabas ang balitang hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, kinumpirma na sa wakas ng aktor ang tungkol dito. Pero nananatiling tahimik ang kampo ni Angelica sa hiwalayan nila ni John Lloyd.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results