Miguel Tanfelix insists he's not courting loveteam partner Bianca Umali

by Rommel R. Llanes
Feb 18, 2016
Miguel Tanfelix on Bianca Umali being courted by other guys: "Sa akin kasi, kaibigan ko po si Bianca, e. Kung magiging masaya man siya sa ibang… may maging crush man siya dun, okay lang sa akin."

Malungkot daw ang Valentine’s Day ni Miguel Tanfelix dahil hindi sila magkasama ng ka-love team at leading lady niya sa Wish I May na si Bianca Umali.

Sabi ng Kapuso teen actor, “Kasi ako lang po yung nasa mall show, sa ano po yun, sa Pangasinan, kaya medyo malayo po.

“Hindi po kami magkasama kasi nga po may mall show ako, e.”

Pero may Valentine’s gift naman daw siya kay Bianca; isang libro na ibinigay niya sa kapareha noong February 13.

“Yung theme nung book, yun ang gusto ni Bianca—na medyo dark, medyo scary.

“Ang title ng book, The Bazaar of Bad Dreams. Si Stephen King [po ang author].”

Ano naman ang regalo sa kanya ni Bianca?

“Wala!” ang tumatawang sagot ni Miguel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa set ng GMA afternoon soap na Wish I May, noong Lunes, February 15, sa Quezon Memorial Circle.

NO COURTING YET. Kumusta na sila ni Bianca? Nanliligaw na ba siya rito?

Continue reading below ↓

“Hindi po, hindi po,” sagot ng 17-year-old actor.

May pumipigil ba para ligawan na niya si Bianca?

“Wala naman pong pumipigil.

“Kasi ngayon, parang nararamdaman po namin ni Bianca na sunud-sunod po yung shows na ibinibigay sa amin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Right after ng Once Upon A Kiss, meron agad na Wish I May.”

Bukod sa Wish I May ay kasama rin sina Miguel at Bianca sa weekly sitcom na Ismol Family.

Dahil sa madalas nilang pagsasama sa trabaho ay may mga nag-aakalang nagliligawan na sila.

Ngunit saad ni Miguel, “Siguro yung iba ite-take yung dahilan na yun para magligawan, maging sila.

“Pero siguro, sa amin ni Bianca, tine-take namin yun na hindi muna, as a sign na hindi muna.

“Kasi po, isa na yung pagiging busy sa work, focus dahil nga po madami pong shows na ibinibigay sa amin yung GMA.

“And siyempre, hindi lang naman po kami nagte-taping, e.

“Pumapasok din po kami sa school.

Continue reading below ↓

“And siyempre yung family po namin, kailangan din namin pong bigyan ng time.”

Si Bianca ay third year high school na sa Veritas Parochial School; si Miguel naman ay first year na sa kursong Entrepreneurship sa De La Salle University sa Dasmariñas, Cavite.

Hindi ba siya nag-aalalang baka maunahan siya ng ibang manliligaw kay Bianca, lalo na't maraming kaklase o ka-schoolmate na lalaki ang kapareha?

Sagot ni Miguel, “Sa akin kasi, kaibigan ko po si Bianca, e.

“Kung magiging masaya man siya sa ibang… may maging crush man siya dun, okay lang sa akin.”

Paano kung may manligaw dito?

“Ewan ko, siguro hindi papayagan ni Bianca po. Kasi hindi ko rin po siya papayagan, e!” tawa ng binata.

Pero bawi ni Miguel, “Hindi, joke lang.”  

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix on Bianca Umali being courted by other guys: "Sa akin kasi, kaibigan ko po si Bianca, e. Kung magiging masaya man siya sa ibang… may maging crush man siya dun, okay lang sa akin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results