Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jack Reid approves of Nadine Lustre for brother James Reid

by Arniel C. Serato
Feb 25, 2016
Masaya raw si Jack Reid para sa kanyang kuya na si James Reid at sa bago nitong relasyon kay Nadine Lustre. Aniya, "I was so happy for them at that time because all the fans were cheering and all, it's official."

Hindi na raw nasorpresa si Jack Reid, ang nakababatang kapatid ni James Reid, sa ginawang pag-amin ng kanyang kuya tungkol sa pagkumpirma ng totoong relasyon nito sa ka-love team na si Nadine Lustre.

Read: James Reid and Nadine Lustre now officially a couple

Kuwento ng bagong aabangan sa Happy Truck HAPPinas ng TV5, “I was already told before, so I wasn’t surprised at that time.

“But I was so happy for them at that time because all the fans were cheering and all, it’s official.”

Boto rin daw siya kay Nadine para sa kanyang kuya.

Dagdag pa niya, “Yeah, I really like her. She’ll always walk up to you and talk to you if she sees you by yourself.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jack sa grand presscon ng Happy Truck HAPPinas, ang bagong bihis na Happy Truck ng Bayan ng TV5 hapon ng Miyerkules, February 24.

Continue reading below ↓

Isa si Jack sa miyembro ng bagong tatag na Yolol (You only live once lang) boy group na magiging bahagi ng naturang Sunday game show ng Kapatid Network at mapapanood na ito sa Singko simula March 6.

PRESSURED. Aminado si Jack na napi-pressure siya ngayong papasok na talaga siya sa showbiz dahil sa kasikatan ng kanyang Kuya James.

Pero, pagbubutihan din daw niya para naman makagawa siya ng kanyang sariling pangalan.

Sa ngayon daw pinagtutuunan niya ang isang dance workshop para mas lalong mahasa sa pagsasayaw.

Kuwento pa niya, “A, dance workshops merely, to be honest, that’s the first talent I just wanna learn because it’s the first that me and my brother learned.

“Because we were dancing, with my brother, since we were kids.”

Read Next
Read More Stories About
James Reid, Nadine Lustre
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masaya raw si Jack Reid para sa kanyang kuya na si James Reid at sa bago nitong relasyon kay Nadine Lustre. Aniya, "I was so happy for them at that time because all the fans were cheering and all, it's official."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results