Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Rocco Nacino grieves over death of grandmother

by Rose Garcia
Feb 25, 2016
Rocco Nacino posted this photo on his Instagram account as his way of saying goodbye to his goodbye to his Lola Nieves (front, left): “I love you so much my mommy nieves. Thank you for waiting for me to arrive and talk to you before you finally rested… I love you my badass lola. Rest in Peace Mommy Nieves.”

Kagabi, February 24 ay binawian ng buhay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Medical Center Manila (MCM) ang lola ng Kapuso actor na si Rocco Nacino na si Lola Nieves Nacino, ina ng daddy ni Rocco.

Nagkataon na ang writer na ito ay may pasyente rin na dinalaw sa ICU ng MCM nang makita namin ang mga magulang ni Rocco na sina Ralph at Linda Nacino sa labas ng ICU habang hinihintay rin ang visiting hours sa loob.

Ang daddy ni Rocco ang panganay na anak sa walong magkakapatid. Halos dalawang araw pa lamang ang lola ni Rocco sa ICU nang isugod nila ito mula sa bahay ng lola niya sa Sta. Ana, Manila.

Nagkataon naman na noong mga oras na yun, nasa Banawe si Rocco at nagte-taping ng Wagas kasama si Janine Gutierrez.

Napag-alaman din namin sa mga magulang ni Rocco na may dalawang taon na rin daw na lumalaban sa sakit na cancer ang lola ni Rocco at sa edad na 85 taon ay binawian na nga ito ng buhay sa ganap na ika-6:53 ng gabi.

Continue reading below ↓

Bago pa dumating si Rocco, nakikita na namin sa mga magulang ni Rocco, lalo na sa kanyang daddy ang lungkot dahil sa hindi na nga raw magandang kalagayan ng kanyang ina.

Dumalaw si Rocco sa lola niya kagabi, ilang oras mula nang dumating siya galing sa Banawe at tila si Rocco na lamang ang hinihintay ng lola niya dahil nang dumating ito at pinuntahan sa ICU bed, ilang minuto lamang ay pumanaw na ito.

Galing na sa pagluha ang mga mata ng Kapuso actor nang lumabas ito ng ICU room at malungkot na ibinalitang pumanaw na nga raw ang kanyang lola. Na parang siya na lang talaga ang hinintay.

Malapit kay Rocco ang kanyang lola kaya ganun na lang din ang kalungkutan nito.

 

SAYING GOODBYE TO HIS BADASS LOLA. Sa kanyang Instagram account kagabi, ipinost ni Rocco ang larawan ng lola niya habang naggu-groufie sila kasama ang kanyang kapatid na si Kyle Nacino at mga magulang.

Continue reading below ↓

At sa post ni Rocco, sinabi niyang, “I love you so much my mommy nieves. Thank you for waiting for me to arrive and talk to you before you finally rested.  Thank you for sending that butterfly to me while I was thinking of heading straight to Buscalan.

“We will definitely miss you but I know you are finally happy and well rested with our Lord Almighty up above. I love you my badass lola. Rest in Peace Mommy Nieves.”

Sa Loyola Memorial Chapel sa Guadalupe, Makati, nakalagak ang labi ng lola ni Rocco hanggang Linggo.  Sa umaga ng Lunes, February 29 ang cremation pagkatapos ng misa.

 

Read Next
Read More Stories About
Rocco Nacino
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino posted this photo on his Instagram account as his way of saying goodbye to his goodbye to his Lola Nieves (front, left): “I love you so much my mommy nieves. Thank you for waiting for me to arrive and talk to you before you finally rested… I love you my badass lola. Rest in Peace Mommy Nieves.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results