Ciara Sotto: "Wow kapal! Deny pa more!"

by Arniel C. Serato
Mar 11, 2016
Hindi man direktang pinangalanan ni Ciara Sotto si Valeen Montenegro bilang third party sa kanilang hiwalayan ng asawang si Jojo Oconer, hindi maiwasang mag-isip ng netizens na si Valeen ang tinutukoy niya sa kanyang posts sa social media.

Isang makahulugang mensahe ang ipinost ni Ciara Sotto sa kanyang Facebook account kahapon, March 10.

Pinaniniwalaang ito ang reaksiyon niya sa exclusive interview ni Valeen Montenegro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung saan pinabulaanan nitong siya ang dahilan ng hiwalayan ni Ciara at ng asawa nitong si Joe Oconer.

Sabi ni Valeen nang matanong tungkol dito: “No, no, no.”

Read: PEP EXCLUSIVE. Valeen Montenegro denies causing the separation of Joe Oconer and Ciara Sotto

Sabi naman ni Ciara sa kanyang Facebook post: “Wow kapal!!!!!! Deny pa more!!!!!”

Continue reading below ↓

Si Valeen lamang ang lumutang na pangalan na third party diumano sa hiwalayan nina Ciara at Jojo, at hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyu ng kanyang pagkakaugnay rito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Read: Valeen Montenegro accused of being third party in Ciara Sotto-Jojo Oconer

THE PHONE CALL. Matagal nang nakarating sa PEP ang isang unverified report kung paano raw nahuli ni Ciara na may ugnayan sina Jojo at Valeen.

Sa phone bill daw kasi ng mister, may isang number doon na parang bago sa paningin ni Ciara. Madaling-araw rin daw pumapasok ang mga tawag nito.

Nang mag-usisa si Ciara sa ilang kaibigan, dito niya nalamang ang numerong iyon ay kay Valeen diumano.

Kaya naman nang nagdesisyon si Ciara na umalis na sa kanilang tahanan ni Jojo, sinabi nitong third party ang dahilan kung bakit niya hiniwalayan ang mister.

Read: Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer

Read Next
Read More Stories About
Ciara Sotto, Valeen Montenegro
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi man direktang pinangalanan ni Ciara Sotto si Valeen Montenegro bilang third party sa kanilang hiwalayan ng asawang si Jojo Oconer, hindi maiwasang mag-isip ng netizens na si Valeen ang tinutukoy niya sa kanyang posts sa social media.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results