Sunshine Cruz cannot wait to be annulled: "Who knows, baka this year balik-Cruz na po ako."

by Bernie V. Franco
Mar 15, 2016
Sunshine Cruz wishes that the annulment of her marriage to estranged husband Cesar Montano be granted this year.

Ibinalita ng aktres na si Sunshine Cruz sa kanyang Instagram account na babalik siya sa pag-aaral.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, March 14, ipinakita ni Sunshine ang enrolment form niya sa Arellano University.

Kukuha ang aktres ng kursong AB Psychology sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program o ETEEAP.

Ayon sa online definition, ang ETEEAP ay alternatibong education system sa Pilipinas kung saan ang working professionals na gustong magkaroon ng bachelor’s degree ay makakapag-aral na hindi traditional education system ang gamit.

Kaugnay ng Instagram post na ito ni Sunshine, maraming netizens ang naintriga dahil ang nakalagay na pangalan ng aktres sa envelope ay "Sunshine Montano."

Because its never too late to go back to school

A photo posted by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Maraming netizens ang inusisa si Sunshine kung bakit Montano pa rin ang gamit niya kahit alam naman sa showbiz na matagal na silang hiwalay ng mister niyang si Cesar Montano.

Ito ay dahil hindi pa annulled ang kasal nina Sunshine at Cesar.

Continue reading below ↓

Naghiwalay sila noong 2014 at nag-file ng annulment si Sunshine noong 2014.

Usisa ng isang netizen, kailan daw ba maa-annul ang kasal nila.

Sagot ni Sunshine dito: “How I wish masagot kita kung kelan maga-grant ang annulment ko.

“Let's hope for the best dahil ‘yan ang matagal ko ng wish.

Continue reading below ↓

“If it's awkward for you, pano na lang sa 'kin?! Lol!”

Nagbitaw rin ng salita ang aktres na posibleng ngayong 2016 ay ma-annul na ang kasal nila ni Cesar at Cruz na ang gagamitin niyang apelyido.

“Montano pa po talaga sa mga documents kasi hindi pa naga grant ang annulment. Praying and hoping for the best though. Who knows baka this year balik Cruz na po ako.”

Continue reading below ↓

Tatlong babae ang anak ni Sunshine kay Cesar at dala ng mga ito ang apelyido ng kanilang ama.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz wishes that the annulment of her marriage to estranged husband Cesar Montano be granted this year.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results