Ruby Rodriguez gets bashed by AlDub fans for being 'insensitive'

by Bernie V. Franco
May 2, 2016
Ruby Rodriguez apologized to AlDub fans who misinterpreted her statement about her mom just wanting to see Alden Richards, and not Maine Mendoza, on her birthday.

Na-bash ang Eat Bulaga! host na si Ruby Rodriguez ng ilan sa diumano’y fans ng AlDub, love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, hinggil sa naging pahayag niya sa segment na "Juan For All, All For Juan" nitong Lunes, May 2.

Sa takbo ng usapan sa nasabing segment, tinanong ni Alden kung kumain na si Maine dahil sa Snapchat ay umiiyak ito at hindi pinapakain.

Si Alden ay nasa Broadway Centrum studio, kasama sina Ruby at Vic Sotto, habang si Maine ay nasa sa San Andres, Manila, kasama si Jose Manalo.

Sumagot si Ruby na nagi-guilty siya dahil tila kasalanan niyang hindi napakain si Maine.

Sabi ng comedienne-TV host, “Si Mommy kasi ang tanda-tanda na kung bakit ang gusto lang makita si Alden. Sorry, Maine.”  

Sinabi naman ni Maine na walang problema sa kanya ito.

Tila ang tinutukoy ni Ruby ay ang birthday celebration ng kanyang ina kung saan hindi naimbitahan si Maine.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Ruby ang larawan ng kanyang ina kasama si Alden.

Pinasalamatan ni Ruby si Alden na pinagbigyan ang birthday wish ng ina na makita siya.  

Ito ang dahilan para mag-comment ang ilang netizens na sumusuporta kay Maine.

Anila, insensitive daw si Ruby sa kanyang mga sinabi, na tila ipinapahiwatig na ang gusto lang makita ng ina ay si Alden.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nag-tweet si Ruby at humingi ng sorry sa kanyang pahayag.

Aniya, wala siyang masamang ibig sabihin sa kanyang mga sinabi at may mga naka-misinterpret lamang nito.

Nakiusap din siyang huwag nang idamay ang kanyang ina sa pamba-bash.

Mayroon namang mga pumanig kay Ruby at sinabing hindi nito kailangang mag-sorry.

May iba raw kasi na pinapalaki lamang ang isyu.

Continue reading below ↓

Read Next
Read More Stories About
Ruby Rodriguez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruby Rodriguez apologized to AlDub fans who misinterpreted her statement about her mom just wanting to see Alden Richards, and not Maine Mendoza, on her birthday.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results