Angelica Panganiban promotes ex-boyfriend John Lloyd Cruz's movie on Instagram

by Bernie V. Franco
May 3, 2016
Netizens praised Angelica Panganiban when she promoted ex-boyfriend John Lloyd Cruz's upcoming movie on her Instagram account.

Umani ng papuri si Angelica Panganiban nang i-promote niya ang bagong pelikulang pinagbibidahan ng kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz, ang Just The 3 Of Us.

Leading lady ni John Lloyd sa pelikula ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado at idinirek ito ni Cathy Garcia-Molina.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Angelica ang poster ng nasabing pelikula.

Sa caption ay hinikayat ng aktres ang kanyang followers na pumunta sa premiere night ng pelikula ngayong Martes, May 3, at manood sa regular showing nito sa Miyerkules, May 4.

Grand premiere of Just the 3 of us, tonight, May3 sa Trinoma. Nood po kayo ??? at regular showing sa May4 ???

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Sa comments section, bumuhos naman ang papuri kay Angelica.

Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkabilib kay Angelica sa ginawa niyang ito.

May mga nagsabing kinilig sila at hindi bitter ang aktres, habang ang iba ay umaasang magkabalikan sina Angelica at John Lloyd.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni John Lloyd ang paghihiwalay nila ni Angelica nang usisain ang aktor ng veteran broadcast journalist na si Ted Failon sa isang event.

Sinabi rin ni John Lloyd kay Ted na nananatili silang magkaibigan ni Angelica kahit naghiwalay na sila.

Read: John Lloyd Cruz finally confirms split with Angelica Panganiban

Continue reading below ↓

Tumagal ng tatlong taon ang relasyon nina Angelica at John Lloyd.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens praised Angelica Panganiban when she promoted ex-boyfriend John Lloyd Cruz's upcoming movie on her Instagram account.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results