Is Sarah Geronimo the 'lucky charm' of Matteo Guidicelli?

by Melba R. Llanera
May 4, 2016
Matteo Guidicelli backs DOLE regulation, saying, "It's more for the production team, for the director, for the lightsmen, for everyone around the set. We don't know how hard these people work. They don't sleep for five days straight. Para silang mga zombie, it's not good. I hope it will be implemented."

Aminado si Matteo Guidicelli na minsan ay nagkukulang na ang oras na naibibigay niya sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Pero nananatiling matatag daw ang relasyon nila ng kasintahan.

Pahayag ni Matteo, “Wala ngang time, e, kasi Dolce [Amore], tapos may Single/Single pa, tapos mayroon akong Pagcor tour.

“Every week, we have a show in different Pagcor, we go around.

“Pag maraming blessings, dapat ituluy-tuloy mo ‘yan, ibigay mo ang lahat, di ba?

“Yung mahal mo sa buhay, maghihintay lang naman ‘yan. Nandiyan lang naman ‘yan palagi.

“Isang [tawag sa] telepono, there’s always time for that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Matteo sa Dolce Amore Destiny Tour Kick Off, na ginanap sa Lapu-Lapu Shrine, Luneta Park, noong May 1.
 
UNEXPECTED. Halos hindi nga nababakante sa trabaho ngayon si Matteo.

Kababalik nga lang niya mula sa Italy para sa ilang mahahalagang eksena ng ABS-CBN primetime series na Dolce Amore.

Continue reading below ↓

Marami tuloy ang nagsasabing mukhang 'lucky charm' niya talaga si Sarah.
  
Reaksiyon dito ni Matteo, “This is a blessing talaga, yung Dolce Amore pa lang, sobrang blessing ito.

“I think this is a gift from my grandfather who is up in heaven right now.

“Blessing talaga, unexpected. I never thought that I will do soap in Italy.

“And it was my grandfather’s birthday also when we were in Italy.

“So, maraming bagay talaga na hindi ko alam kung bakit nangyayari, pero nangyayari.”

Dagdag niya, “For sure she’s my lucky charm in my personal life, but I don’t think she has anything to do with work, di ba?

“She’s my inspiration also but we are all working hard. She’s working hard and I am also.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli backs DOLE regulation, saying, "It's more for the production team, for the director, for the lightsmen, for everyone around the set. We don't know how hard these people work. They don't sleep for five days straight. Para silang mga zombie, it's not good. I hope it will be implemented."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results