Anne Curtis on movie project with Direk Erik Matti: "It's NOT Darna."

by Bernie V. Franco
May 5, 2016
Anne Curtis clarifies that the action movie that she will be doing with Direk Erik Matti is not Darna.

Nag-react ang ilang netizens nang mag-post sina Anne Curtis at Direk Erik Matti ng larawan nilang magkasama sa kani-kanilang Instagram accounts.

Tanong ng netizens: Si Anne na ba ang gaganap na Darna sa pelikula?

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin inaanunsiyo kung sino ang gaganap na Filipino superheroine na inaasahang gagawing pelikula ngayong 2016 at ididirek ni Erik.

Continue reading below ↓

Nag-post si Direk Erik ng larawan nila ni Anne kahapon, Miyerkules, May 4, at matutukoy sa caption na action genre ang gagawin nilang pelikula, dahilan upang isipin ng ibang netizens na si Anne ang susunod na Darna.

Post ni Direk: “Need to get fit and catch up with you @annecurtissmith finally! #getreadytorumble2 #runandgun #nodouble”

Need to get fit and catch up with you @annecurtissmith finally! #getreadytorumble2 #runandgun #nodouble

A photo posted by erikmatti (@erikmatti) on

Ganito rin ang post ni Anne: “Something to look forward to this year! A film with THE Direk @erikmatti  Super excited for this! Time to work my butt off again! #RunAndGun #NoDouble #LetsGetReadyToRumble.”

Samantala, sa comments section ng post ni Anne, nilinaw ng It’s Showtime host na hindi Darna ang pelikulang pagsasamahan nila ni Direk Erik Matti.

Sinagot ni Anne ang netizen na nagtanong kung siya ba ang gaganap bilang bagong Darna.

“Chill. It’s NOT Darna.”

Continue reading below ↓

Hindi rin daw ito ang pelikulang pagsasamahan nila nina Maja Salvador at Paulo Avelino.

Continue reading below ↓

We're ready to rumble! @brandonthetruthvera

A photo posted by erikmatti (@erikmatti) on

Inaabangan naman ng Darna fans kung si Angel Locsin pa rin ba ang gaganap sa karakter na nilikha ni Mars Ravelo.

Pero nauna nang sinabi ni Angel na iba na ang gaganap sa papel dahil sumailalim sa dalawang operasyon ang Kapamilya actress dahil sa kanyang disc bulge.

Lumutang ang mga pangalan nina Nadine Lustre, Liza Soberano, Julia Montes, Jessy Mendiola, at Maja Salvador na posibleng magmana ng bato ni Darna.

MOVIE WITH BRANDON VERA? Samantala, ilang linggo na ang nakalilipas, nag-post si Direk Erik ng larawan kasama ang American mixed martial artist na si Brandon Vera.

Caption ni Direk Erik sa larawan nila ni Brandon, “We’re ready to rumble,” na naging hashtag din sa proyektong pagsasamahan nila ni Anne.

Posibleng indikasyon na magkakasama sina Anne at Brandon sa gagawing pelikula ni Direk Erik.

Read Next
Read More Stories About
Erik Matti Darna
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis clarifies that the action movie that she will be doing with Direk Erik Matti is not Darna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results