Jennylyn Mercado denies 'exclusively dating' status with Dennis Trillo

by Rose Garcia
May 8, 2016
Jennylyn Mercado on not putting any label in her relationship with Dennis Trillo: "Hindi naman kailangan. Wala, ayoko lang."

“Wala, magkaibigan lang kami!

Ito ang natatawang sagot ni Jennylyn Mercado nang muling tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ng Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Dennis Trillo kamakailan, sinabi nitong wala nga raw label ang kung anuman meron silang dalawa.

Okey lang sa kanya yun?

Sabi ni Jennylyn, “Oo, ayoko, e. Ayoko lang.

“Hindi naman kailangan.

“Wala, ayoko lang.”

Mas nakikita niyang nagwu-work ang relationship nila ni Dennis na walang label?

“Oo, ayoko lang talaga, hindi pa 'ko handa.”

Sabi ni Dennis, exclusively dating daw sila?

“Hindi, a,” mabilis na pagtanggi ni Jennylyn.

Nakikipag-date pa rin siya sa iba?

“Hindi rin, wala akong oras.”

Hindi siya pumapayag na exclusively dating sila ni Dennis?

“Hindi, hindi talaga!” natawa niyang sabi.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado on not putting any label in her relationship with Dennis Trillo: "Hindi naman kailangan. Wala, ayoko lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results