Kris Aquino signing off temporarily until July

by Arniel C. Serato
May 9, 2016
Muling umalis ng bansa si Kris Aquino kasama ang dalawang anak at ilang buwan din silang mamamalagi doon. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan nilang pamilya mula sa banta ng Abu Sayyaf.

Matapos makaboto, lumipad na papuntang ibang bansa ang Queen of All Media na si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua Aquino at Bimby Aquino Yap.

Matagal nang nakaplano ang pag-alis ni Kris at mga anak pagkatapos ng eleksyon upang maiwasan ang diumano’y banta sa kanyang buhay.

Hanggang Hulyo mawawala sa limelight si Kris, ayon na rin sa kanyang post kahapon, May 8, sa Instagram.

Pero bago siya tuluyang umalis ng bansa, nag-iwan muna ng mensahe ng pasasalamat si Kris sa Instagram ngayong araw, May 9, para sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay sa loob ng 20 taon sa telebisyon.

Sabi ni Kris, “I promised my Kris TV viewers I'd share w/ you our new home, no more show but I'm keeping the promise, medyo matagal pa...

“I've always said, my sons & I wouldn't have what we have now had it not been for the 20 years you allowed me to be part of your daily viewing.

Continue reading below ↓

“I thank my home network ABS CBN, and all our past & current endorsements for the trust & the opportunities to be a part of your lives.

“Maraming Salamat. Much love & gratitude to all of you.

“Kris Aquino, signing off...”

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling umalis ng bansa si Kris Aquino kasama ang dalawang anak at ilang buwan din silang mamamalagi doon. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan nilang pamilya mula sa banta ng Abu Sayyaf.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results